Posts

LEMON FRIED CHICKEN

Image
Ito yung isa sa dalawang dish na niluto ko na dinala namin sa Richmonde Hotel for our dinner. Nung una hindi ko sana ipo-post ang recipe ng dish na ito pero nung ma-check ko ang archive, wala pa naman pala akong entry na ganito. Although, marami na akong fried chicken recipe masarap talaga ang isang ito. Try it! LEMON FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 5 pcs. Chicken legs (Cut into drumstick and thigh part) 1 Lemon (Gadgarin yung balat para makuha yung lemon zest) 3 cups Flour 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking oil Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa katas ng lemon, lemon zest, asin, paminta at Maggie magic sarap. Hayaan ng mg 30 minuto. Overnight mas mainam. Ilagay sa pinakamalamig na part ng freezer. 2. Sa isang zipblock o plastic bag, ilagay ang harina at minarinade na manok. Alug-alugin hanggang sa ma-coat lahat ng harina ang manok. 3. Ilagay muli sa freezer at hayan ng mga 30 minuto. 4. Magpakulo ng mantika sa kawali. Dapat mga 1 inc...

CHICKEN and BACON CARBONARA

Image
Last April 9 komo holiday at walang pasok sa opisina, we decided to treat our children sa Richmonde Hotel sa Ortigas (Pictures sa mga susunod ko na post). Nga pala, gift check ang ginamit namin dito na prize ko pa last December for my 10 years service award sa aking compnay na Megaworld. And ofcourse plus a big discount courtesy of Rommel Quiñones. hehehehe. Ano ang kinalaman nito sa entry natin for today? Well, para naman hindi masyadong magastos, nagluto na lang ako ng dinner na kakainin namin sa hotel. At ito ngang pasta dish na ito at isa pang very common na chicken dish ang ang ginawa. May entry na ako sa archive for carbonara. But this time, ginaya ko yung bago ng Greenwich na chicken and bacon carbonara. But this is my own version and recipe. Try nyo ito. Talaga namang nagustuhan ng pamilya ko ito. CHICKEN and BACON CARBONARA Mga sangkap: 500 grams Spaghetti pasta cooked according to directions 1 whole chicken breast fillet 250 grams Bacon chopped 1 tetra brick...

MARUYA (Banana Fritters)

Image
Isang pinoy na pinoy na pang-meyenda ang handog ko sa inyo sa araw na ito. Simple pero masarap na pang-meryenda na tiyak kong magugustuhan ng m,ga bata. Sa totoo lang, habang kinakain ko ito, nagbalik sa ala-ala ko yung panahon noong bata pa ako. Nagluluto nito ang aking Inang Lina at itinitinda namin sa harap ng aming bahay habang bakasyon at para may kita kami pagpasok namin ng paaralan. Kung baga summer job namin ito noong araw. Masarap kainin ito na may kasamang palamig na sago at gulaman o kaya naman ay mainit na tsa-a. MARUYA (Banana Fritters) Mga Sangkap: 8 pcs. Hinog sa Saging na Saba 1/2 cup sugar 2 cups Harina 2 egg 1 cup cold water cooking oil Paraan ng pagluluto: 1. Hiwain ang saging na saba ng pahaba (Pagtatluhin ang hiwa) 2. Sa isanhg bowl, paghaluin ang itlog, harina, asukal at malamig na tubig. Batihing mabuti hanggang sa mawala na ang buo-buong harina. 3. Sa isang non-stick na kawali, magpakulo ng mga 1/2 tasang mantika. 4. Sa isang platito, maglagay ng 3 slice na sagi...

HONEY-SOY PORKCHOPS

Image
Another simple but delicious dish ang entry natin for today. Simple din lang ang mga sangkap, ganun din ang paraan ng pagluluto. Ayos na ayos ito na pamalit sa pangkaraniwang luto natin sa porkchops na prito o kaya naman ay pa-bistek. Ang mahirap kasi sa porkchops, masyado itong dry iluto. Kaya naman tamang-tama ang paraan ng pagluluto natin sa entry nating ito. Try it! I'm sure magugustuhan ito ng inyong pamilya. HONEY-SOY PORKCHOPS Mga Sangkap: 8 pcs. of Porkchops 1/2 cup Soy sauce 1/2 cup Honey 2 tbsp. brown sugar 1 large onion sliced 1/2 Lemon 1 tsp. Lemon zest (ginadgad na balat ng lemon) 2 tbsp. butter salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang porkchops sa asin, paminta, katas at zest ng lemon sa loob ng 30 minuto o higit pa. 2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang porkchops sa butter hanggang sa pumula lang ng kaunti ang magkabilang side nito. Hanguin sa isang lalagyan. 3. Sa parehong kawali igisa ang sibuyas. 4. Ibalik ang piniri...

ENSALADANG MANGGA na may LETTUCE at KAMATIS

Image
Ang niluto kong ulam nung nakaraang Biyernes Santo ay inihaw na tilapia. Ang problema ko that time ay kung ano ang ite-terno ko namang gulay o ulam na may sabaw dito. Nakita ko yung indian mango na dala namin na galing pa ng Bulacan at yung natira pang romaine lettuce na natira din nung gumawa ako ng salad na may yogurt sa bahay. Hindi ko alam kung may ganito talagang salad. Mangga at lettuce? why not..... At sinamahan ko pa ng kamatis at experimental na dressing. Ang resulta....ubos at puring-puri ito ng mga kumain. Ayos na ayos siya sa prito o inihaw na isda. ENSALADANG MANGGA na may LETTUCE at KAMATIS Mga Sangkap: 8 pcs. Indian mango (hiwain ng pahaba parang sticks) 4 pcs. Kamatis (alisin ang buto at hiwain ng pa-cubes) 10 leaves Romaine Lettuce (hiwain sa nais na laki) 1/2 cup Vinegar 1 tbsp. Olice oil 1/2 tsp. freshly ground black pepper 2 tbsp. brown sugar 1/2 tsp. salt Paraan ng paggawa: 1. Paghaluin lang ang lahat ng gulay. 2. Sa isang bowl, paghaluin lang ang suka,...

FLORES REUNION 2010

Image
Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang tradisyon na ito ng pamilya Flores ng asawa kong si Jolly. Basta ang alam ko mula nung mag-asawa kami and that was 12 years ago ay taun-taon kaming dumadalo sa reunion na ito. Every year naghahalal sila o nagtotoka ng magiging pangulo o mamumuno sa susunod na taon na reunion. Ang maganda naman dito ay sinusuportahan ang nahalal ng kanilang mga kamag-anak sa anumang gastusin para sa reunion. Sa ilog na pag-aari ng Lolo Ente ginaganap ang reunion na ito. Dito na rin niluluto ang mga pagkain na inihahanda dito. Huwebes Santo pa lang ay nililinis na ang ilog na ito para sa pagtitipon na gagawin. Nangunguna ang mga kalalakihan sa paglilinis ng ilog. Ang nakakatuwa, taun-taun ay parami ng parami ang dumadalo sa reunion na ito. Nasa larawan sa itaas ang aking asawang si Jolly at ang kamag-anak niya na si Ate Ineng. Me, Jolly and Ate Mokring enjoying the food na inihanda sa reunion. Ang mga anak ko? nandun sa bandang dulo ng ilog. Enjoy n...

MANDARIN ORANGE CHICKEN

Image
Ito yung isang dish na niluto last Holy Thursday nung nagbakasyon kami sa Batangas. Actually, ginaya ko yung orange chicken ng chowking. Yun lang hindi spicy itong sa akin. Also, wala akong sinunod na recipe, kumpbaga parang experimental. Ang totoo hindi ako ganun ka-satisfied sa finish product ko. Parang may kulang. Although napuri naman ito ng mga kumain. MANDARIN ORANGE CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken thigh fillet cut into serving pieces Salt and pepper to taste ½ tsp. Maggie magic Sarap 1 egg 1 cup Flour 2 cups Canned Mandarin Oranges (reserve the juice) 3 cloves minced garlic 1 medium size White onion sliced 1 thumb size ginger sliced 2 tbsp. butter ½ cup soy Sauce 1 tbsp. cornstarch 2 tbsp. brown sugar Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta, Maggie magic sarap at sa juice ng mandarin orange. Hayaan ng mga 30 minuto. Mas matagal mas mainam. 2. Alisin sa marinade mix ang manok at ilipat sa isang bowl. 3. Ilagay ang binating itlo...