ENSALADANG MANGGA na may LETTUCE at KAMATIS


Ang niluto kong ulam nung nakaraang Biyernes Santo ay inihaw na tilapia. Ang problema ko that time ay kung ano ang ite-terno ko namang gulay o ulam na may sabaw dito.


Nakita ko yung indian mango na dala namin na galing pa ng Bulacan at yung natira pang romaine lettuce na natira din nung gumawa ako ng salad na may yogurt sa bahay.

Hindi ko alam kung may ganito talagang salad. Mangga at lettuce? why not..... At sinamahan ko pa ng kamatis at experimental na dressing. Ang resulta....ubos at puring-puri ito ng mga kumain. Ayos na ayos siya sa prito o inihaw na isda.

ENSALADANG MANGGA na may LETTUCE at KAMATIS

Mga Sangkap:

8 pcs. Indian mango (hiwain ng pahaba parang sticks)

4 pcs. Kamatis (alisin ang buto at hiwain ng pa-cubes)

10 leaves Romaine Lettuce (hiwain sa nais na laki)

1/2 cup Vinegar

1 tbsp. Olice oil

1/2 tsp. freshly ground black pepper

2 tbsp. brown sugar

1/2 tsp. salt

Paraan ng paggawa:

1. Paghaluin lang ang lahat ng gulay.

2. Sa isang bowl, paghaluin lang ang suka, olive oil, asin, paminta at brown sugar. Haluin mabuti. Tikman at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang asim, alat at tamis.

3. I-buhos ang ginawang dressing sa salad at halu-haluin.

4. Ilagay sandali sa fridge para ma-chill g kaunti.

Ihain kasama ang nilutong inihaw o piniritong isda.

Enjoy!!!!

Note: I think it's better kung lalagyan din ng chopped onion na puti. Para may tamang kagat ng kaunti ang salad. Next time siguro. :)

Comments

cool fern said…
kahit naman ano pwedeng gawing salad,dennis..kaya i'm sure masarap na masarap 'to..
Dennis said…
alam mo kung ano ang ikinagulat ko sa salad na ito? yung dressing naginawa ko....hehehe....as in ordinary na suka at olive oil...ang sarap ng kinalabasan....hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy