Posts

PORK GINILING (Mula sa mga tira-tira na sangkap)

Image
Weekly kami kung mag-grocery ng aming pagkain pang-araw-araw. Madalas sa SM Makati kami namimili. Pag isda naman at mga gulay na pangsahog, sa Arayat Market ako dumadaan at bumibili pag gagamitin ko na. Asahan mo pag Friday at Saturday paubos na o ubos na ang laman ng fridge namin ng pagkain lulutuin. Asahan mo na mga tira-tira na lang ang laman nito at i-check mo na lang kung ano pa ang pwedeng gawin. Kagaya nitong entry natin for today. Ang mga Sangkap na ginamit ko dito ay puro tira-tira lang. Yung pork giniling, tomato sauce, sausage at maging yung mix vegetables. Pero wag ka, masarap ang kinalabasan ng tira-tira dish na ito. Bukod sa pangulam, pwede din itong palaman sa pandesal o kaya naman ay ihalo mo sa pasta. Winner ito sa mga kids. PORK GINILING (Mula sa tira-tira na sangkap) Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork Giniling (lean) 1 cup Mix Frozen Vegetables (carrots, corn, peas) 3 pcs. Jumbo Cheesey Chicken Hotdogs (cut into small pieces) 1 cup Tomato Sauce (sweet style) ...

14 YEARS WITH MY WIFE AND KIDS

Image
Exactly 14 years today, ikinasal kami ng aking asawang si Jolly sa St. Vincent Ferrer Parish sa Lipa City, Batangas. Kaya nga yung last visit namin ng aking pamilya sa Baguio yun bale ang celebration namin ng aming kasal. Advanced celebration kung baga. 14 years of ups and downs. Ofcourse dumadaan din kami sa mga problema na karaniwang dinadaanan ng mga pamilya at mag-asawa. At salamat sa Diyos sa kabila ng mga problema na aming kinakaharap, buo pa rin kami at masayang nagsasama sa isat-isa. My wife and kids is my life. I love them so much. Dalangin ko sa Diyos na bigyan pa ang ng lakas at magandang kalusugan para maitaguyod ko sila at mabigyan ng magandang buhay. Katulad ng hagdanan na nasa larawan sa itaas, marami pa kaming hakbang na kailangang akyatin. At alam ko, sa tulong ng Diyos at sa pagmamahal ng aking asawa at mga anak, malalampasan namin ito. Amen.

CHICKEN SANDWICH

Image
Paborito ko ang chicken sanfwich. Natatandaan ko noong araw kapag may mga birthdays or special na okasyon, gumagawa ng ganito ang aking Tiya Ineng. Masarap siyang gumawa ng ganito. Gusto ko sa chicken sandwich yung may mga chunk talaga ng manok na mangunguya ka. Hindi tulad nung mga available na chicken spread sa market na wala ka man lang makapa sa iyong bibig pag kinakain. Kaya naisipan kong gumawa ng ganito nitong nakaraang mga araw. Ayos na ayos kako ito para sa baon ng mga bata. At nakakatuwa naman dahil nagustuhan nila ito. CHICKEN SANDWICH Mga Sangkap: 1 whole Chicken Breast 2 cups Lady's Choice Mayonaise 2 tbsp. Sweet Pickle Relish 1 small size Onion finely chopped 1 tsp. White Sugar Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, pakuluan ng manok tubig na may kaunting asin hanggang sa maluto. Hanguin at palamigin sandali. 2. Himayin ang manok at ilagay sa isang bowl o lalagyan. 3. Ilagay ang sweet pickle relish, mayonaise, chopped oni...

CHICKEN BROCCOLI with BLACK BEAN SAUCE

Image
Lumabas sa pag-aaral na ang gulay na brocolli ang isa sa mga pinaka-masustansyang gulay. Yun lang medyo may kamahalan ang klas ng gulay na ito. Kaya kami sa bahay ay bihira lang din maka-kain nito. Pero nitong mga nakaraang araw, medyo nagtaka ako kasi ang mura-mura lang nito ngayon. P60 lang ang per kilo kumpara noon na umaabot pa ng P160 to P200 ang kilo. Kaya naman sinamantala ko na at bumili ako kahit 1 kilo lang. Sa aking pagka-dismaya, halos puro dahon lang ito at tangkay. Kakaunti lang ang pinaka-bulaklak. Madaya kasi. Tinatakpan nung dahon yung pinaka-bulaklak kaya di mo na pansin na konti lang ito. Kaya ayun, mapapansin nyo siguro sa picture na parang wala halos brocolli na makikita. But anyways, masarap ang chicken dish ko na ito na may brocolli. Nilagyan ko pa ng black beans sauce. Panalo ang lasa nito. CHICKEN BROCOLLI with BLACK BEAN SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet cut into bite size pieces 1 kilo Brocolli cut also into bite size pieces 1 ...

BAGUIO CITY - After 14 Years: Day 2 & 3

Image
DAY 2 - January 22, 2012 - Sunday Ito ang second day ng aming short na bakasyon sa tinaguriang summer capital ng Pilipinas ang Baguio City. Masasabing kong ito ang pinaka-highlights ng aming bakasyon. Bakit naman hindi? Buong araw na pamamasyal ang ang ginawa. Hehehehe Maaga pa lang ay gumising na kami para mag-handa sa araw na yun. 6:00am pa lang ay gising na kaming lahat. Nag-breakfast muna kami sa hotel bago kami pumunta sa sa baguio cathedral para mag-simba. Konti lang ang choices para sa complimentary breakfast sa hotel. May choice lang na tocino, daing na bangus, corned beef at chorizo. May kasama itong fried rice ar scrambled o sunny side up na itlog. Yun lang siguro ang mapupula ko sa hotel na tinuluyan namin. Bukod sa konti lang ang choices, kokonti din lang ang serving ng mga food nila. Eksaktong bago mag 8:00 ng umaga ay tumuloy na kami sa Baguio Cathedral para mag-simba. Ayos naman ang dating namin at may naupuan pa kami pagdating namin. Napakaganda pa...

ENSELADANG LABANOS

Image
Nakakain na ba kayo ng enseladang labanos? Matagal na ding hindi ako nakakakain nito. Noong araw gumagawa nito ang aking Inang Lina lalo na kapg pritong isda ang aming ulam. Masarap ito. Lalo na itong ginawa ko na ipinars ko sa pritong galunggong. Madali lang itong gawin. Walang luto na gagawin. Paghahaluin lang ang mga sangkap at mayroon ka nang enseladang labanos. Try nyo din. Masarap talaga. ENSELADANG LABANOS Mga Sangkap: 1 large Radish o Labanos (hiwain ng pahaba na parang match sticks) 1 cup Vinegar Onion leaves salt, pepper and sugar to taste Paraan ng paggawa: 1. Hiwain ang labanos na parang match sticks. 2. Sa isang bowl, paghaluin ang suka, asin, paminta at asukal. Haluin. Tikman at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung naghahalo ang alat, tamis at asim ng mga sangkap. 3. Ibuhos ang pinaghalong sangkap sa hiniwang labanos. 4. Ibudbod sa ibabaw ang iniwang onion leaves. 5. I-chill sa fridge bago ihain. Ihain ito kasama ang bagong prito...

BAGUIO CITY - After 14 Years: Day 1

Image
Day 1 - January 21, 2012 After 14 years, nagkaroon kami ng pagkakataon ng asawa kong si Jolly kasama ang aking tatlong anak na sina Jake, James at Anton na makapunta ng Baguio para makapamasyal ng konti. 14 years kasi after ng kasal namin way back January 31, 1998 ay dito kasi sa Baguio nag-spend ng aming honeymoon. Sabi ko ko nga sa panganay kong anak na si Jake, the last time na napunta siya dito ay nung nasa tiyan pa siya ng Mommy niya. hehehehe 2am pa lang ng January 21 ay gising na kami at naghahanda sa aming maagang pag-biyahe papuntang Baguio. 4am kasi ang schedule ng pag-alis ng bus sa Victory Liner na terminal sa Cubao. Kahit maaga kaming nagising, exited pa rin ang lahat para sa short na bakasyon na ito. 2 ang stop bago kami nakarating ng Baguio. Unang stop ay sa Tarlac City. may 15 minutes na stopover para sa mga gustong mag-cr at kumain. Ito na din ang naging chance namin para mag-picture-an ng konti. Hehehehe. 2nd stop ay sa Rosario, Pangasinan. Ito ata ...