BAGUIO CITY - After 14 Years: Day 1

Day 1 - January 21, 2012

After 14 years, nagkaroon kami ng pagkakataon ng asawa kong si Jolly kasama ang aking tatlong anak na sina Jake, James at Anton na makapunta ng Baguio para makapamasyal ng konti.

14 years kasi after ng kasal namin way back January 31, 1998 ay dito kasi sa Baguio nag-spend ng aming honeymoon. Sabi ko ko nga sa panganay kong anak na si Jake, the last time na napunta siya dito ay nung nasa tiyan pa siya ng Mommy niya. hehehehe

2am pa lang ng January 21 ay gising na kami at naghahanda sa aming maagang pag-biyahe papuntang Baguio. 4am kasi ang schedule ng pag-alis ng bus sa Victory Liner na terminal sa Cubao. Kahit maaga kaming nagising, exited pa rin ang lahat para sa short na bakasyon na ito.

2 ang stop bago kami nakarating ng Baguio. Unang stop ay sa Tarlac City. may 15 minutes na stopover para sa mga gustong mag-cr at kumain. Ito na din ang naging chance namin para mag-picture-an ng konti. Hehehehe. 2nd stop ay sa Rosario, Pangasinan. Ito ata yung place bago umakyat na ng Marcos Highway.

Around 10:30am na kami nakarating ng Baguio. Nagkaroon lang ng delay dahil sa traffic na ang dahilan ay ang mga ginagawang daan.

Pansisin nyo ang picture sa itaas. Bundok na puno ng mga bahay. Hindi pa ganito the last time na naputa kami dito.

Pagdating namin sa terminal ng Victory Liner sa Baguio, kumuha muna kami ng ticket pabalik ng Manila. Pagkatapos nun ay sumakay na kami ng taxi at nagpahatid sa hotel na aming tutuluyan sa loob ng 3 araw. Chalet Hotel Baguio pala ang pangalan ng hotel. Hindi pa kami nakapag-check-in komo 2pm pa daw ang check-in time. So iniwan na muna namin ang gamit namin at tumuloy muna kami ng SM Baguio para mag-tanghalian.

Sa Yellow Cab napili ng mga anak ko na mag-lunch. Sa gutom namin, ayun hindi ko na nakuhang kunan ng picture ang aming kinain. New York's Finest pala ang pizza na in-order namin at sinamahan na lang namin ng Fleet Starters. Yung picture kinopya ko na lang sa website ng yellow cab. hehehehe


New York's Finest Pizza

Fleet Starters

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa hotel at nakapag-check-in na kami. To follow ko na lang yung pict. Nasa isa pang camera kasi eh. hehehehe

Nagpahinga lang kami sandali at tumuloy na kami sa aming pamamasyal.

First Stop namin ang Lourdes Grotto. Sa baba pa lang nang mataas na hagdanan papunta sa grotto ay may nakapaski na na strimmer na under renovation ang image ng Mahal na Birhen. Inaayos kasi ito para sa 100 years ng grotto sa 2013. Pero ayun may inilagay naman sila na mas maliit na image ni Mama Mary.

Syempre pagbaba namin, picture-picture pa rin. hehehehe

Sa taas ng hagdan ay talaga namang sumakit ang aking binti at mga paa. hehehe. kaya naisipan namin na magpahinga muna ng konti.

Second stop namin ay sa Burnham park (4:30pm). Sobrang dami ng tao kaya nahirapan din kami na maka-kuha agad ng bangka na aming sasakyan. Thank you sa bankero namin at kinunan niya kami ng picture. hehehe

Sa tulong na din ng bangkero ay itinuro niya sa amin kung saan masarap na maghapunan. Ito ay yung mga ihaw-ihaw sa carenderia sa malapit lang sa Burnham park. Komo mag-7pm na nun, naisipan namin na dun na mag-dinner bago umuwi ng hotel.

Inihaw na liempo, inihaw na tilapia, at Bulalo ang aming in-order. Total bill I think kulang-kulang P700. Not bad. Masarap naman ang food.

Bumalik kami sa hotel at around 8pm. Nagkape muna kami sa lobby ng hotel at ang mga bata naman ay nauna nang pumunta sa room. Yung coffeshop pala ay Dulcenea. Overflowing ang coffee dito anytime of the day. Kaya sinulit na din namin. hehehe.

Natapos ang day 1 namin na masaya at busog. Kaya naman maaga din kami nakatulog in preparation na din sa buong araw ng Linggo. hehehe

Next....Day 2. Mass at Baguio Cathedral, PMA, Camp John Hay, at marami pang iba.

Abangan....

Comments

J said…
Sarap naman ng bakasyon ni kuya!
Dennis said…
Enjoy talaga J...yun lang medyo magastos...hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy