HOTDOG MILK and CHEESE MACARONI
Itong pasta dish na ito ang masasabi kong tiyak at siguradong-sigurado ako na magugustuhan ng mga kids. Bakit naman hindi? Hotdog, milk at cheese lang ang sangkap na ito na gustong-gusto ng mga bata. Tapos inihalo pa sa macaroni at nilagyan pa ng extra melted cheese. Kasi siguro ang mga matatanda ay magugustuhan ito. Ito ang breakfast namin nitong nakaraang araw. Nabanggit ko nga na minsan sa isang linggo ay nag-iiba ako ng kinakain namin sa almusal. Yun ay para naman maiba sa nakasanayan natin na kanin at ulam. Ang mainam dito, kung may matitira man ay pwede pang gawing snacks sa hapon. HOTDOG, MILK and CHEESE MACARONI Mga Sangkap: 400 grams Elbow Macaroni cooked according to package direction 250 grams Purefoods Tender Juicy Hotdog sliced 1 small can Alaska Evap Milk (yung red ang label) 1 cup grated Cheese 1 cup Cheese Wiz 1 tsp. dried Oregano or basil 2 tbsp. Butter 5 cloves...