KALAYAAN 2012

Maligayang araw ng kasarinlan sa lahat ng mga kababayan kong Pilipino.   Sa araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang ating ika-114 na araw ng kasarinlan.  

Di man natin ito ipinagdiriwang na katulad ng pasko, bagong taon o fiesta na maraming handang pagkain, minarapat kong mag-post ng mga pagkain na masasabi kong pinoy na pinoy talaga.  

Kung magho-host ako ng isang dinner para sa Independene Day, gagawin kong all Pilipino Food ang aking ihahanda.    At ito ay ang mga sumusunod:

For the soup, Sinampalukang Manok para sa akin ang the best.   Mainam na ilagay ito sa palayok para mas maganda ang presentation.

Sa gulay, syempre ang Pinakbet ang the best.   I-overload pa ang mga sahog kagaya ng lecho kawali, at hipon.

Inihaw na talong, manga at bagoong salad naman ang mainam na side dish.   Ayos na ayos ito sa inihaw na bangus na nasa ibaba.

Syempre hindi mawawala ang Pancit sa hapag.   Sotanghon-Canton Guisado ay panalong-pamalo.

Sa isda, winner ang inihaw na boneless bangus na may palamang kamatis at sibuyas.   Huwag kakaligtaan ang sawsawang calamsi at toyo.

Hindi pwedeng mawala ang Kare-kare.  Panalong-panalo ito syempre sa masarap na bagoong.

Lechong Manok para sa chicken dish.   Hindi rin pwedeng mawala ito sa Pilipiniong hapag.

At panghuli ang crispy pata.   Pero kung may buong Lechon Baboy, syempre yun pa rin ang panalo.

Para sa dessert, leche plan, halayang ube at mga minatamis.

Tiyak kong enjoy ang lahat sa mga handang pagkain na ito.  :)



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy