Posts

MASAGANANG BAGONG TAON sa inyong LAHAT!!!!!

Image
Salubungin natin ang Bagong taon na ito na may bagong pag-asa at pag-ibig sa lahat.   Masaganang Bagong Taon po sa inyong lahat!!!!!!

MEDIA NOCHE - Maiba naman.....

Image
Malapit nang magpalit ang taon.   Isang taon na naman ang matatapos at haharapin na naman natin ang panibagong hamon ng darating na 2015. Alam kong abala na tayo sa pag-iisip kung ano ba ang masarap na ihanda sa media noche?   Syempr gusto natin ay maraming handa para maging masagana ang ating taong darating.   Naisip ko lang bakit hindi ganito ang gawin natin tema ng ating ihahanda?   Boodle fight style na kainan.     Gamit ang dahon ng saging at ilalagay natin dito ang mga pagkaing ating pagsasaluhan.    Masarap kung mga inihaw kagaya ng barbeque, inihaw na isda, hotdogs para sa mga bata,   Pwede din inihaw na limepo, hipon at alimasag.   Tiyak, magugustuhan ng lahat ng kainang ito.   At ang mainam dito, tunay na buklod buklod ang buong pamilya. Pero kahit ano pa man ang ating ihanda at pagsaluhan ang mahalaga ay ang pagsasama at pagsasalo ng pamilya anuman ang nasa hapag. MASAGANANG BAGONG TAON PO SA INYONG LAHAT......

MALIGAYANG PASKO sa INYONG LAHAT!!!!

Image
Nawa ang pagpapala ni Hesus na isinilang sa Belen ay suma-ating lahat.    MALIGAYANG PASKO at MASAGANANG BAGONG TAON!!!!

PAGBATI MULA SA AKING PAMILYA

Image
Mula po sa bumubuo ng aking pamilya...sina Jake, James, Anton, Jolly at ako....Kami po ay bumabati sa inyo ng isang MALIGAYANG PASKO at MASAGANANG BAGONG TAON. Dalangin ko sa Diyos na tayo ay pagpalain sa taong darating....ilayo nawa tayo sa mga mahihigpit na pagsubok....bigyan nawa niya tayo na magandang kalusugan....at puspusin tayo ng mga biyaya na kailangan natin  sa araw-araw.   In Jesus name...AMEN

KIMCHI FRIED RICE with PORK TENDERLOIN

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na inihanda ko par sa aking treat sa aking mga officemate.   Kimchi Fried Rice. Pangatlong version ko na ito ng Kichi Fried Rice.   In this 3rd version, pork tenderloin naman ang sahog na aking inilagay.   Mas mainam ito dahil malambot na ang karne at madaling maluto. Pwedeng-pwede din pala itong ihanda sa ating Noche Buena.   Masarap at kakaiba sa pangkaraniwang kinakain natin sa araw-araw.   Tiyak kong magugustuhan ito ng mga kakain at nang ating pamilya. KIMCHI FRIED RICE with PORK TENDERLOIN Mga Sangkap: 6 cups Long Grain Rice (jasmine rice) 500 grams Pork Tenderloin (cut ito small pieces) 2 cups Kimchi (cut into small pieces) 1/2 cup Soy Sauce 1 head MInced Garlic 1 large Onion (chopped) 4 pcs. Fresh Eggs (beaten) Spring Onions 2 pcs. Pork Cubes Freshly Ground  Black Pepper Salt or Patis to taste 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Sesame Oil Paraan ng pagluluto: 1.   The night ...

2014 NOCHE BUENA SUGGESTION #2

Image
Narito ang aking Noche Buena Suggestion #2 para sa inyong lahat.   Ilang araw na lang at Pasko na kaya alam kong ngarag tayong lahat sa kung ano ang ating ihahanda.   Syempre naman dapat espesyal ang ating handa at hindi yung pangkaraniwan nating nakakain.   Narito po ang ilan sa mga ito na pwede nating i-consider.   Isinama ko na din po ang mga link ng bawat recipe para madali jyong mahanap. http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/03/stuffed-red-bell-pepper-with-ground.html Stuffed Red Bell Pepper ang the best na pang-appetizer http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/07/chicken-and-baby-potato-salad.html Pwede din po itong Chicken and Baby Potato Salad. http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/05/sweet-chili-honey-wings.html Sa mga mahilig sa chicken pwede po itong Sweet Chili-Hony Wings. http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/03/hardinera-ala-dennis.html For the main course, pwede nyo pong i-consider itong Hardi...

CREAMY BACON MUSHROOM & PENNE PASTA

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko para sa aking mga officemates kahapon ng ako ay nahilingan na magpakain.   In white sauce ang ginawa ko dito dahil favorite ng aking boss ang carbonara.   Alam kong magugustuhan niya ito at yun nga ang nangyari.   Hehehehe. Madali lang gawin at lutuin ang pasta dish na ito.   Pwedeng-pwede din nating i-consider ito para sa ating Noche Buena.  Kaunti lang ang mga sangkap pero napakasarap ng lasa.   For sure magugustuhan ito ng mga bagets. CREAMY BACON MUSHROOM & PENNE PASTA Mga Sangkap: 500 grams Penne Pasta (cooked according to package direction) 300 grams Bacon (cut into small pieces) 1 big can Sliced Mushroom 2 tetra brick All Purpose Cream 2 cups grated Cheese 1/2 cup Melted Butter 1 tsp. Dried Basil 1 head Minced Garlic 1 large White Onion (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang penne pasta according to package direction. ...