Anton's Chicken




Good Day to all my friends. First, I would like to thank Ms. Connie Veneracion of http://www.pinoycook.net/ for posting my recipes in her website. I'm really greatful to be selected and featured in that website.

Napa-ingles ata ako dun ah....hehehehe. Meron kasing nag-comment dun sa posting na yun na hindi daw niya maintindihan yung mga nakasulat kasi nga daw taglish. Well, I prefer taglish kasi mas sanay ako ng ganun. Ayoko naman magpaka-TH sa pag-i-ingles kung mali-mali naman.

Anyways, eto na naman ang bago kong recipe na ibabahagi sa inyo. Actually, ito ang isa sa mga pinaka-paborito kong niluluto. Marami na rin ang pumuri sa luto kong ito at masasabi ko na this is one of my best.

Ang nagpangalan sa recipe kong ito ay mismong ang bunso kong anak na si Jericho Anton. He's 6 years old. To give you a backgroud kung saan nagmula ang pangalan ng recipe, mahilig kasing manood sa bahay ng mga telenovela sa channel 2. Natatandaan nyo yung telenovela ni Judy Santos na Isabella? Dun nakuha ng anak ko yung tawag na Anton's Chicken. Habang kumakain kami nun nung niluto kong turbo broiled chicken, bumanat siya ng salitang "Anton's Chicken"...with feelings ha....hehehehe. At doon na nga nagsimula na tawagin namin itong recipe na ito na ANTON'S CHICKEN.

Eto ang mga sangkap na kailangan:

1 large size chicken (about 1-1/2 to 2 kilos)

1/2 cup calamansi juice

1/2 cup soy sauce (Datu Puti or Silver swan)

1 cloves of garlic

Tanglad or lemon grass

1 tbsp. Maggie Magic Sarap

1 tbsp salt

1 tsp. pepper

Turbo Broiler


Paraan ng pagluluto:

1. Mix Salt, Pepper & maggie magic sarap in a bowl

2. Paghaluin ang calamansi juice, soy sauce, dinikdik na bawang at ginayat na tanglad (white lower portion) sa isa pang lalagyan

3. In a large bowl, I-rub ang salt & pepper at maggie magic sarap sa katawan at loob na bahagi ng manok. Mas matagal ang masahe mas mainam

4. Ibuhos ang pinaghalong calamansi at toyo sa manok. Muli ay masahihin ang manok sa marinade mix.

5. Ilagay sa loob ng manok ang itinaling tanglad o lemon grass

6. Gawin ang pagma-marinade 1 hour bago lutuin. Mas mainam kung overnight ang pagma-marinade.

7. I-set ang turbo broiler sa 350 degrees at ilagay ang manok

8. Lutuin ito sa loob ng isang oras o hanggang sa pumula ang balat ng manok.

9. From time to time, i-brush sa katawan ng manok ang pinang-marinade

10. Baligtarin ang manok kung kinakailangan.


Hindi ko pa nasubukan na i-oven ito dahil wala kaming oven.....hehehehe. Pero pwede din itong lutuin doon.

For the gravy, Ilagay lamang sa isang sauce pan ang katas mula sa nilutong manok, lutuin sa mahinang apoy, lagyan ng kapirasong butter at cornstarch, haluin at timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.


Enjoy!!!








Comments

jonna said…
wow kakagutom naman i try ko ito sa oven kasi wala kami turbo broiler d2 sa bahay. sa mura ng Chicken sa saudi sana marami pang putahe sa chicken hehe...
Dennis said…
Just click the chicken label on the right side and it will show you all the chicken recipe.

Thanks for visiting...


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy