Biko Pandan
Hello! Happy Chinese New Year!
Yesterday, komo nga bisperas ng Chinese New Year, nagluto ako ng malagkit for merienda. Biko in short. Pero bakit Biko Pandan? Well, mamaya ko ipapaliwanag....hehehehe Di ba swerte daw yung may sticky food like tikoy pag new year? Di man ako intsik, well sinusunod ko din ang ilan sa mga pamahiin nila. hehehehehe
Mga sangkap:
3 cups malagkit na bigas
gata mula sa 2 niyog (May nabibili sa palengke na piga na...1/2 kilo ang kailangan)
1/4 kilo brown sugar
vanilla essence
Paraan ng pagluluto:
1. Isaing ang malagkit na bigas katulad ng pagsasaing ng ordinaryong kanin
2. Ilagay sa kawali o non-stick na kawali ang gata ng niyog
3. Lutuin hanggang maging latik
4. Hanguin ang latik at ilagay muna sa isang lalagyan
5. Sa pinaglutuan ng latik, ilagay ang malagkit na isinaing
6. Ihalo ang brown na asukal at vanilla essence
7. Haluin hanggang maging parehas ang kulay ng malagkit
8. Hanguin sa isang lalagyan ay ilagay sa ibabaw ang nilutong latik
Masarap kainin ito na may kasamang kinayod na niyog at tsaa.
Why Biko Pandan? Ganito kasi yun. Hindi ko kasi makita yung vanilla essence na binili ko. Ang nakita ko ay yung buko pandan essence na ginamit ko last christmas. Kaya ayun naging Biko Pandan ang pangalan ng kakaning ito...hehehehehe.
Pansinin nyo din yung kulay....hehehehe....parang medyo green siya..dahil nga dun sa buko pandan essence. But I tell you, masarap pa rin ang kinalabasan....hehehehe
Enjoy!!!
Comments
Sarap po ng mga luto ninyo. I was just wondering, is there any way po ba na after maluto yong latik, eh, hindi siya mag kukulay brown. Bale parang magmukha pa rin siyang light or white. Is there any way? Kasi from the picture, parang kulay green yung biko. Paano po ang pag-Timing nyan?
Eto po blog ko: Online Ninja blog
, paturo ako sa inyo! SALAMAT!
~Online Ninja