Chicken Cordon Bleu





Tama ba spelling ng menu ko for the day? hehehehehe.......tama na din yan....basta ang importante masasarapan tayo sa resulta...hehehehe.

Medyo sosyal ang dating ng menu na ito. Para bang sa mga hotel mo lang ito makikita at makakain. Pero ang totoo available ito sa mga supermarket kagaya ng SM. Di ko lang alam kung ano ang lasa.....hehehehehe. Pero syempre iba kung tayo mismo ang gagawa at magluluto.

Nabasa ko lang ang basic ingredients sa pagluluto nito sa isang blog....and mukhang madali naman siyang lutuin kay nag-try ako. First time kong nagluto nito nung last years birthday ng bunso ko and it was a hit. Yung picture na nasa itaas was taken nung 41st birthday ko naman...at yun ang isa sa mga inihanda ko.

Eto ang mga kakailanganin sa pagluluto ng Chicken cordon bleu:
1. Chicken breast fillet
2. ham
3. quick melt cheese
4. kalamansi
5. bread crumbs and flour
6. eggs
7. maggi magic sarap or msg (optional)
8. cooking oil
9. asin at paminta
10. toothpick
11. mayonaise and cheese for the dip and toppings

Wala akong inilagay na measurement....tantya-tantyahan lang kasi ako kung magluto. Syempre sa ganun tayo natututo....hehehehe

Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade yung chicken fillet sa katas ng kalamansi, asin, paminta at maggie magic sarap. Mas mainam overnight o 1 hour bago lutuin.

2. Hiwain ang ham at cheeze base sa laki na kakasya sa pagpalaman sa chicken fillet

3. Ibuka o hiwain sa gitna ang chicken fillet

4. Ipalaman ang ham at cheese at isarado sa pamamagitan ng toothpick. Tiyakin na hindi nakalabas ang palaman

5. Paghaluin o batihin ang itlog, harina at maggie magic sarap. lagyan ng konting paminta at asin. Dapat ay sapat lamang ang lapot nito para kumapit ang bread crumbs sa pagpi-prito.

5. Pakuluin ang mantika. Dapat ay lubog ang ipi-prito.

6. I-prito ang inihanda sa pamamagitan ng paglubog nito sa pinahalong itlog at harina at pagkatapos ay sa bread crumbs naman saka ihulog sa kumulong mantika. Dapat mainit na mainit ang mantika.

7. Kung golden brown na ang kulay, hanguin at ilaga sa platong may paper towel.

8. Hiwain ito at lagyan ng pinagsamang mayonaise, ginagad na keso at paminta sa ibabaw.

Ayun na.....hehehehe


Enjoy eating!!!




Comments

Unknown said…
Ayos Sir Dennis!! Iluluto ko to Next week! Thanks for your post... I Lalagay ko 2ng blog mo sa Favorite sites ko.. Thanks!
Dennis said…
Thanks Tyrone.....I hope you share also the link with your friends....

Dennis
Violy said…
mukhang nagugutom na ko ah, ma-try ko nga at ang sarap nya sa pic tingnan ;)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy