Chicken Pastel
Last Friday, I decided to cook something special. At ito ang naisip ko na lutuin. Actually it's one of my favorite chicken dish. Chicken Pastel. Alam ko maraming variety ng resipi sa lutong ito. Pero sabi ko nga, Cooking is an art. Marami kang pwedeng gawin at i-improve sa bawat klase ng pagkain na lulutin mo.
Kung mapapansin ninyo sa mga nakaraan kong post, ang ulam namin araw-araw ay umiikot lang sa 4 na klaseng. Manok, Baboy, Baka at isda. Balance di ba? Tatanungin nyo, bakit walang gulay. Well, ang hirap kasing pakainin ng gulay ang mga bata. Lalo na yung pangalawang anak ko na si James (8 years old). Di na lang daw siya kakain kung gulay ang ulam. Oh di ba? So ang ginagawa ko, bawat ulam na lulutuin ko dapat may kasamang gulay. And you know what? Sa paraang ito, napipilit ko din siyang kumain kahit konting gulay. hehehehehe
Simple lang ang pagluluto ng putaheng ito. Sabi ko nga hindi ako gumagamit ng mga sangkap na mahirap makita o bilhin sa palengke o supermarket.
Eto ang mga sangkap:
1/2 kilo chicken fillet (Pwedeng pitso o yung sa hita)
1 small can Alaska evap (Yung full cream)
1 can Purefoods vienna sausage
carrots
red bell pepper
patatas
1 bawang
1 sibuyas
corn starch
salt & pepper
Maggi magic sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade yung chicken fillet sa asin, paminta at maggie magic sarap
2. Balatan ang carrots at patatas at hiwain ng pa-cubes
3. Sa isang non-stick na kawali o kasirola, I-prito ahg chicken fillet hanggang sa pumuti ang mga laman nito
4. Itabi sa gilid ng at igisa ang bawang at sibuyas...halo-halo ng konti para lumasa ang gisa sa laman ng manok
5. Ilagay na ang carrots, patatas at red bell pepper sa niluluto
6. Lagyan ng kaunting tubig at takpan hanggang sa maluto ang carrots at patatas
7. Magtunaw ng 1 kutsarang corn starch
8. Ilagay ang hiniwang vienna sausage
9. Ilagay ang Alaska evap at isunod ang tinunaw na corn starch
10. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa
Enjoy!!!!
Comments
Again, thanks for viewing and supporting my blog.
Dennis
I am one of your followers. Masarap rin ba kung instead of vienna sausage eh yung red hotdog ang gagamitin (Purefoods Tender Juicy Hotdog)?
Thank and regards,
Jeng
Thanks again,
Dennis