Daing na Bangus at Ginataang Sitaw Kalabasa




Paborito ko ang daing na bangus na may kasamang ginataang sitaw at kalabasa. Para sa akin match na match ang ulam na ito sa mainit na kanin....hehehehehe. Kaya kagabi, ito ang iniluto ko para sa dinner namin. At isa pa, kung mapapansin nyo yung picture ng ginataang sitaw at kalabasa, nilagyan ko pa ng chicharong baboy at itlog ng pugo. Bakit? kasi nga pahirapan sa bahay na mag-pakain ng gulay sa mga bata. hehehehee

Mga kailangan:

2 pcs. medium boneless bangus
asin
suka
bawang
paminta
maggie magic sarap

1/4 medium size na kalabasa
1 tali sitaw
Gata mula sa 1 niyog
1 kutsarang bagoong alamang (yung nasa bote na nabibili sa supermarket ang ginamit ko)
bawang
sibuyas
chicharon baboy
itlog ng pugo

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang bangus sa asin, paminta, suka, dinikdik na bawang at maggie magic sarap. Mas mainam kung overnight ito gagawin bago lutuin. Maaring hiwain ang bangus para di mahirap i-prito sa kawali
2. I-prito sa kumukulong mantika.
3. I-handa ang mga gulay na gagamitin. Hiwain ang gulay ng naaayon sa laki ng gusto ninyo
4. Igisa ang bawang at sibuyas
5. Ilagay muna ang sitaw at halu-haluin
6. Ilagay na ang kalabasa at bagoong
7. Lagyan ng kaunting tubig at takpan
8. Kung malapit ng maluto ang gulay, ilagay na ang gata ng niyog, chicharon at itlog ng pugo
9. Lagyan ng asin at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa
Ihain ang daing na bangus na may sawsawang toyo at kalamansi
Enjoy!!!!




Comments

Anonymous said…
hello po! thanks god at meron ganitong blog. kahit napaka simple recipe ang post mo nagustuhan ko. kailangan ko kasi din ito para sa pamilya ko. paulit ulit lang ksi ang mga loto ko. atleast ngayon nadagdagan ang mga recipe ko.im sure lahat ng yan ay iloloto ko..post pa po kayo ng marami pang party, pag may bisita,meryenda.mga sauces. saka po kaya ko nagustuhan kasi natikman nyo na din at dedicated sa pamilya kaya tyak masarap! THUMBS UP!
Dennis said…
Thanks anonymous.....sana makilala kita...hehehehe......email me if you have questions...

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy