Escabecheng Isda



Hello! Me again. Natutuwa naman ako sa magandang pagtanggap sa blog ko na ito. Even here in the office I received positive feedback and they say that this blog will help them a lot especially sa kung anong ulam ang ihahanda nila sa kani-kanilang pamilya.
Okay. Eto na ang ating recipe for today. Escabecheng isda. Before ko gawin ang posting na ito, nag research muna ako more about escabeche. Ang napansin ko lang, may iba-iba palang recipe at paraan ng pagluluto nito. Pero itong ishe-share ko sa inyo I think is the simpliest. Napakadali lang gawin. At sisiguraduhin ko sa inyo na magugustuhan nyo ang lutong ito.

Mga sangkap:

1 kilo ng isda (Pwedeng macarel, galunggong, bangus, tilapia, etc. basta yung pang prito) Sa recipe na ito galunggong ang ginamit ko

1 medium size hilaw or green papaya

achuete seeds

suka

luya

bawang

sibuyas

asukal

asin at paminta


Paraan ng pagluluto:

1. Gadgarin ang papaya

2. Hiwain ang luya ng pahaba na parang palito ng posporo

3. Ibabad sa tubig ang achuete

4. I-prito ang isda sa kumukulong mantika at ilagay sa isang plato o bandihado

5. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas

6. Ilagay ang ginadgad na papaya

7. Timplahan ng suka, asin, paminta at asukal. Huwag hahaluin.

8. Ilagay na rin ang tinunaw na achuete

9. Tikman at timplahan muli ng asin, asukal at paminta ayon sa inyong panlasa. Ang tamang timpla nito ay yung naglalaban ang asim, alat at tamis.

10. Ilagay ang nilutong papaya sa ibabaw ng piniritong isda


Kagaya ng sinasabi ko dati pa, wala akong ginagamit na eksaktong sukatan ng mga gamit sa pagluluto. Ika nga tantiya-tantiyahan lang. Lalo na yung may mga bawal na sa pagkain. So kayo na ang bahalang mag-tantiya sa sami lalo na sa asin at asukal.
Ito ang exciting sa home cooking...yung natututo tayo sa mga pagkakamali natin. So the next time pwede nating itama yung mali na nagawa natin.


Enjoy!

Comments

Unknown said…
Hi Dennis. I always read the blog of Connie V kaya lang for a few weeks di ko na-visit yung blog nya because I've been very busy. So today ko lang nakita yung post about you.

I like your blog! It's very personal. Halong macho and daddy figure. LOL!

I live in The Netherlands and I love to cook. Relaxation time talaga and when my husband is really "bondat" from it, and sarap talaga lalong magluto.

I'll be visiting your blog regularly too!

God bless,
Kat
Cool Fern said…
pwede mag share ng aking recipe ?fish sweet n sour naman ang sa akin...very easy to make din...
if you'll allow me then i'll email you my recipe.parang escabeche din....
Dennis said…
Thanks Ms. Kat....mas lalo akong na-i-inspire na magpatuloy na mag-post ng mga pagkain na niluluto ko. Just keep visiting my blog for new updates....

Dennis
Dennis said…
Hi Cool Fern....Yup, that's great...Yun talafga ang essence ng blog na ito....para mai-share at makapag-share ng mga lutong bahay....so everybody happy. here is my email address... denniscglorioso@yahoo.com ..... Thanks again for visiting my blog.

Dennis
MaMely said…
DENNIS, YOU HAVE A GOOD LOOKING FAMILY!
I like your site, too. Just keep on blogging!
Dennis said…
Thanks MaMely.....eto may mga bagong post na naman ako. Actualy yung pinaka-latest ulam namin yan kagabi....hehehehe....And its really good....try mo din.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy