Pork Afritada with a Twist




Good Day! Kagaya ng naipangako ko na magpo-post uli ako ng pagkaing hindi ready to eat kundi personal kong niluto talaga....eto na....hehehehehe

Last Saturday may nabili akong butterfly cut na pork sa SM supermarket. Binili ko yun pero di ko pa alam kung anong luto ang gagawin ko. Nung una simpleng prito lang ang iniisip ko, kaya lang parang tatlong araw na kaming prito ang ulam.

BTW, yung butterfly cut pala na pork ay yung parang porkchop pero walang buto. Wala din itong balat at manipis lang ang taba. Hiniwa ito sa gitna na parang pak-pak ng paru-paru kaya siguro ito tinawag na butterfly cut na pork.

Kaya kagabi naisip kong bakit hindi ko na lang ito i-afritada para kahit papano may sauce at may gulay na din. Pero sa pagkakataong ito, nilagyan ko ng twist ang pag-luto ko ng afritada. Alam ko pangkaraniwan na pagkain at marami na ang nakaka-alam ng ulam na ito. Pero yun nga, para hindi maging pangkaranian ang lasa, nilagyan ko ng konting eksperemento....hehehehe. At tinitiyak ko sa inyo masarap ito. Para ka na ring kumain sa hotel o mamahaling restaurant.

Eto ang mga sangkap:

1 kilo Pork Butterfly cut or porkchop

1 Delmonte Tomato Sauce


1 Knorr Pork cubes

2 pcs. patatas

1 pc. carrot

1 red bell pepper

10 pcs. calamansi

1 sibuyas

bawang

2 kamatis

dried basil

salt & pepper

Maggie Magic Sarap

cornstarch


Paraan ng pagluluto:

1. Hiwain muna sa gitna ang mga butterfly cut na pork.

2. I-marinade ito sa asin, paminta, calamansi juice at maggie magic sarap (Mas mainam kung overnight mo itong ibababad)

3. I-prito ang pork hanggang sa pumula lang ng bahagya ang mga gilid ng karne.

4. Hanguin muna sa isang lalagyan.

5. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis

6. Ilagay ang karne at lagyan ng kaunting tubig. Pwedeng yung pinagbabadan ng karne ang ilagay.

7. Kung malapit ng lumambot ang karne, pwede ng ilagay ang patatas at carrots.

8. Ilagay na rin ang dried basil at Knorr pork cubes

9. Hintaying maluto ang patatas at saka ilagay ng red bell pepper at tomato sauce.

10. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa

11. Lagyan ng tinunaw na cornstarch sa tubig para lumapot ang sauce

12. Ihanda na may kasamang mainit na kanin


Enjoy!!!


p.s.


Nasaan ang twist? hehehehe. Di nyo ba napansin? Ano ang iba sa mga sangkap? Yung dried basil. Yun ang nagpaiba sa lasa ng afritadang ito. I assure you, iba talaga ang nagawa sa lasa ng spices na ito. Hindi lang pala ito para sa mga pasta sauces kahit pala sa mga ganitong ulam ay pwede din....hehehehehe.....Try it and enjoy the good food. And you know what? bundat na naman sa kabusugan ang mga anak ko. hehehehehe







Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy