Pork Hamonado ala Lina
Eto na naman ako.....Syempre may bago na naman akong i-she-share sa inyo na niluto ko kagabi. Actually ito ang dinner namin. Isa ito sa mga pagkain na inihahanda sa mga special na okasyon. Natutunan ko ito sa aking Inang. But ofcourse, wala pa ding tatalo sa luto niya kumpara sa akin. Pero syempre lagi ko naman ini-improve yung version ko....hehehehe. Hamonado ang tawag dito kasi parang ham din ang lasa. Pwede ding gawin ang lutong ito using chicken....at masarap din....hehehehe.
Ito ang putahe natin for today. 'Pork Hamonado ala Lina'.
Simple lang ang lutong ito....at matitityak ko na magugustuhan ito ng mga bata. Kagaya na lang ng mga anak ko na nag-enjoy sa dinner namin kagabi.
Eto ang mga kailangan:
1 kilo - Pork kasim yung di masyado makapal ang taba...buo pero pahaba ang hiwa
1 can - Delmonte Pineapple juice....yung sweetened mas mainam...mas marami mas mainam
sibuyas
bayang
paminta
asin
asukal
toyo
Paraan ng pagluluto:
1. Ibabad o i-marinade ang karne ng baboy sa pineapple juice, ginayat na sibuyas, bawang, asin, paminta at asukal. Mas mainam kung mga ilang araw ito ibababad. Para mas lalong pumasok sa laman yung flavor.
2. After ilang araw o oras ng pag-marinade, pakuluan ito hanggang sa lumambot. Laging i-che-check at baka matuyuan ng sabaw. Pwedeng lagyan ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung malambot na, i-prito ang laman sa kaunting mantika. Mainam sa non-stick pan para di manikit ang karne.
4. Pag medyo mapula na, hanguin at palamigin.
Note: Huwag masyadong malambot na malambot ang karne. Pag hiniwa kasi nadudurog. maganda yung tamang-tama lang.
Habang pinapalamig ang karne, gawin ang sauce toppings
1. Mag-gayat muli ng 1 sibuyas at ilagay sa pinaglagaan ng karne
2. Lagyan ng corn starch na may tubig at toyo para lumapot ang sauce
3. Timplahan muli ng asin, asukal at paminta ayon sa inyo panlasa. Masarap yung naglalaban ang alat at tamis at yung flavor ng pineapple juice.
Hiwain ang pinalamig na karne at ilagay sa ibabaw ang ginawang sauce. Enjoy!!!!
Comments
Sa mga kasal ko lang natitikman ang pork hamonado. I will follow your recipe and hopefully I will be able to serve pork hamonado for my family.
Ano po ba ang kasim? Anong parte ng baboy?
It's great to see cooking geeks.
Tina of MyGoodFinds.Org
Yung nakikita natin sa mga handaan, slice yung pork nun...tapos nir-roll siya. Nilalagyan dun yun ng hotdog na palaman sa loob. Yung nasa picture, whole meat yun na pahaba ang hiwa.
Thanks for you positive feedback...