Tilapia - Inihaw / Steam / Oven / Turbo ...etc.



Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa luto kong ito. Una, naisip ko pinaputok na tilapia....pero nung i-check ko ang recipe nito sa internet iba ang sangkap at paraan ng pagluluto. Actually, isa lang ang tawag nila pero iba-iba ng sangkap nga at pagluluto. Itong sa akin niluto ko sa turbo broiler.

Simple lang naman ang lutong ito at titiyakin ko na magugustuhan ninyo. Ako nga hindi mahilig sa ganitong luto pero nagustuhan ko. Ako kasi sa isda prito lang ang gusto ko.....ayoko nung may sabaw or steam lang.

Narito ang mga sangkap at gamit na kailangan:

4 pirasong Tilapia (Yung nabili ko 1.75 kilo yung apat)

luya

sibuyas

tanglad o lemon grass

asin at paminta

maggie magic sarap

sesame oil

foil


Paraan ng pagluluto:

1. Linising mabuti ang isa.....lagyan ng dalawang gilit o hiwa ang isda sa katawan at asinan

2. Hiwain ang sibuyas. Hiwain ang luya na parang palito ng posporo

3. Yung lower part (white part) ng tanglad, hiwain din ng maliliit

4. Ipalaman sa ulo at katawan ng isda ang sibuyas, luya at tanglad.

5. Sa isang foil (enough para mabalot ang isda) ilagay ang isda.

6. Lagyan din ng sesame oil, maggie magic sarap at paminta ang katawan ng isda

7. Bago balutin, lagyan din ang labas na bahagi ng isda ng luya, sibuyas at tanglad

8. Balutin sa foil. Siguruhin na hindi tatagas ang katas o sabaw ng isda.

9. Maari itong lutuin sa turbo broiler, oven, kawali o iihaw.

10. Kung sa tingin nyo ay luto na ang isda, maari na itong ihain na may kasamang mainit na kanin.


Alam nyo kung ano ginawa ko nung kakainin ko na ito? Binuhos ko sa kanin yung sabaw o katas ng tilapia....at alam nyo? Ang sarap ng naging kain ko that night. Di na ako nag-sawsawan...yung flavor ng luya, sibuyas at tanglad ay sapat na para ma-enjoy yung isda. And I tell you, walang ka-lansa-lansa yung isda.....ang sarap talaga.


Enjoy!!!




Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy