Beef Burger Steak ala Pobre
Salamat pala sa mga nag-participate sa ating munting poll survey. Sana yung iba sumali din para naman malaman ko kung ano pa ang gusto ninyong recipe na i-post ko dito.
Kagaya nitong recipe natin for today. Beef Burger Steak ala Probre. Madami din kasing nag-request na mag-post naman ako ng beef recipe. Hindi ako masyadong makapag-post ng beef kasi nga medyo may kamahalan ang karneng baka. Kaya eto...alam ko magugustuhan ninyo ang lutong ito. Hindi ito tipikal na nakakain natin sa isang sikat na fastfood chain.....hehehehe. Try it.
BEEF BURGER STEAK ala POBRE
Mga sangkap:
1/2 kilo giniling na baka (yung sirloin ba yun...di kasi ako pamilyar sa mga parts eh)
fresh basil leaves
2 medium onion (yung red mas mainam)
1 cloves garlic
2 eggs
1/2 cup flour or cornstarch
3 tbsp soy sauce
1 tbsp sesame oil (optional)
maggie magic sarap (optional)
cooking oil
salt and pepper
For the gravy:
2 knorr beef cubes
butter
1 tbsp constarch
water
Note: Pwede ding gumamit nung mga instant gravy ng mccormick.
Paraan ng pagluluto:
1. Gayatin ng pino ang basil leaves, garlic at sibuyas.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng mga sangkap maliban sa cooking oil
3. Maaaring mag-prito or mag-steam ng kaunti para matikman kung tama na ang lasa ng burger.
4. Ihulma na parang hamburger patties ang mga pinaghalong mga sangkap.
5. Maaring lagyan ng plastic or wax paper ang mga pagitan ng mga patties para hindi pag-dikit-dikit.
6. Ilagay sa freezer at patigasin ng kaunti bago i-prito.
7. I-prito o i-ihaw ang mga burger patties. Kung non-stick ang inyong kawali...lagyan lang ng kaunting mantika or maaring wala na. Kakatas din kasi yung sariling mantika ng burger patties.
8. Hanguin at ilagay sa isang lalagyan.
Sa pag-gawa ng gravy:
1. Sa isang sauce pan, maglagay ng 1 cup of water
2. Ilagay ang Knorr beef cubes at butter at hintaying kumulo at matunaw
3. Magtunaw ng cornstarch at ilagay sa pinakuluang knorr cubes
4. Haluin.....timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
5. Maaring dagdagan ng tubig para sa tamang lapot ng gravy
Ibuhos sa ibabaw ng burger at budbudan ng toasted garlic sa ibabaw.
Ihain habang mainit.
Enjoy!!!!
Comments
kakagutom tuloy...
Napanood mo ba yung movie ni Aga Mulach at Claudine Barreto? Kailangan Kita ba ang title nun? Actually dun ko nakuha yung teknik na yun...dun sa movie tinatanong ni Aga yung nagluluto ng laing kung ano ang sekreto nito sa pagluluto ng masarap laing...ang sagot nung mama...pare-pareho lang ang sangkap sa pag-gawa ng laing...ang kaibahan lang nung sa kanya...sa bawat piga niya ng gata...hinahaluan niya ito ng pagmamahal...inaalala niya yung anak niya na gustong-gusto ng laing...in the end tatay pala ni aga yung mama na itinakwil niya.
O di ba may kwento pa? hehehehehe.... But it's true....At syempre in the mood ka pag nagluluto...otherwise di masarap ang kakalabasan ng niluto mo.
Take it from there.....hehehehehe
Dennis
Dennis G.
With regards to your question, butter is different with margarine. As in magkaiba siya. Although pwede mo rin itong gamitin sa recipe na ito. Yun lang magkaiba ng result. Mas masarap pa rin talaga ang butter.
Dennis