Chicken Liver and Gizard with Mix Vegetables in Oyster Sauce


Yesterday, ang planong ulam namin para sa hapunan ay isda. Ganun naman ang diet namin sa pamilya. Basta ikot lang ang isda, manok, baboy at baka. Yung gulay hinahalo na lang namin sa mga ito. Ika nga balance diet kami....hehehehe. So dapat nga isda ang sched namin kahapon. Kaso hindi maganda ang isda sa palengke at ang mamahal pa. Imagine, hasa-hasa lang P160 na ang kilo? Ang ginawa ko nag-palit ako ng menu...hehehehe. Nakakita ako ng atay at balun-balunan ng bagong katay na manok and presto may ulam na kami...hehehehe

Eto nga ang recipe natin for today. Chicken Liver and Gizard with Mix Vegetables in Oyster Sauce. Parang ang haba ata ng pangalan? hehehehehe. Well, yan na lang ang ipinangalan ko sa lutong ito but actually parang chopsuey siya....hehehehee.....mas marami nga lang yung atay at balun-balunan. Try it! Masarap siya at madali lang lutuin.


Chicken Liver and Gizard with Mix Vegetables in Oyster Sauce

Mga Sangkap:

1/2 kilo Atay at balun-balunan ng manok

1 large sayote

100 grams baguio beans

1 large carrots

cauliflower

kinchay (or cilantro ba ang tawag dito?)

3 tbsp. oyster sauce

1 medium onion

garlic

conrstarch
salt and pepper

maggie magic sarap (optional)


Note: Pwedeng gumamit ng iba pang klaseng gulay katulad ng chicharo, repolyo, celery, etc.




Paraan ng pagluluto:

1. Hugasan mabuti ang atay at balun-balunan. Hiwain ang balun-balunan ng manipis....sa atay naman hiwain ito sa tamang laki lamang (bite size). Huwag paghaluin ang atay at balun-balunan

2. Talupan ang carrots at sayote at hiwain ng pahaba

3. Igisa ang bawang at sibuyas

4. Ilagay ang hiniwang balun-balunan. Unahin ito dahil matagal itong lumambot.

5. Timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng kaunting tubig.

6. Kung sa tingin ninyo ay malambot na ang gizard, ilagay na ang atay ng manok, carrot, cauli flower at sayote

7. Haluin...lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan.....takpan

8. Ilagay ang tinunaw na cornstarch at oyster sauce...haluin

9. Ilagay ang ibabang bahagi ng ginayat na kinchay o cilantro

10. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng ginayat na dahon ng kinchay sa ibabaw.

Ihain habang mainit.

Enjoy!!!


Note: Mapansin nyo pala sa pict...bakit parang maraming sauce? Well dinadamihan ko talaga. kasi gusto ng mga bata ng ganito..hinahalo kasi nila sa kanin.....hehehehe

Comments

Cool Fern said…
hmmmm, sarap nito lalo na pag nilagyan ng kaunting mushroom and bean sprouts...
Dennis said…
Yup...kagaya nga ng sinabi ko, any vegetables ay pwede sa lutuing ito.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy