Chili Garlic Prawn in Lemon Butter Sauce



Hello! Eto na ang part 2 ng aming handa during our 11th wedding anniversary last January 31.

Sabi ko nga, paisa-isa ang gagawin kong post para may suspense ng kaunti....hehehehe. Pero di ako talaga makatiis na hindi mai-share ang mga recipe na ito sa inyo. Lalo pat alam ko na marami na rin ang sumusubaybay sa mga bago ko post. hehehehehe.....Thank you sa lahat....Sana naman mag-post kayo ng comment para alam ko kung nagugustuhan nyo ang ginagawa ko at para ma-improve ko pa ang blog ko na ito.

Eto ang pangalawang putahe na inihanda ko nga last Saturday. Chili Garlic Prawn in Lemon Butter Sauce. Ang haba ng pangalan ano? hehehehehe.....Actually, pangkaraniwan na ang mga ganitong luto. Marami sa atin ay iniiba lang nila ang mga inilalagay na sangkap...yung iba nilalagyan ng Sprite o kaya naman butter and garlic lang.....kagaya ko may twist akong ginawa dito na lalong nagpasarap sa finished product.

Eto na ang mga Sangkap:

1 kilo sugpo

butter

1 cloves garlic

1 tbsp. lee kum kee chili garlic sauce

1/2 lemon

salt and pepper

1 tbsp sugar

cornstarch


Paraan ng pagluluto:

1. Sa kawali, igisa ang bawang sa butter hanggang sa pumula ito

2. Ilagay ang chili garlic sauce at haluin

3. Ilagay ang sugpo

4. Timplahan ng asin at paminta

5. Dahan-dahang haluin para kumpait ang flavor ng mga sangkap sa sugpo

6. Lagyan ng kaunting tubig at takpan

7. Kapag pumula na lahat ng sugpo, pigaan ito ng kalhating lemon at ilagay ang asukal ayon sa inyong panlasa. Ang tamang lasa ay yung naglalaban ang alat, tamis at anghang.

8. Magtunaw ng cornstart at ibuhos sa niluluto para lumapot ang sauce.

9. Ihain habang mainit...


Enjoy



Nasaan ang twist? Yung instead na seasoning ang inilagay ko ay asukal. Iba talaga ang kinalabasan ng putaheng ng asukal ang inilagay ko. Ang ikinasarap pa ng lasa ng sauce, yung hanghang ng chili sa huli mo malalasahan....Ang sarap talaga.... kaya ayun solve na solve ang mga bisita ko.

p.s.

Special thanks pala sa kanila. Kina Mareng Yollie and her kids Jerome and Denise....Kina Kuya Reggie at Ate Lau and their kids Glen and Angelo...Kay Ate Glo and Carol....Kay Mare kong Beng and Jorina. And ofcourse kay Mareng Juliet ko...hehehehe......kamuntik pang makalimutan.....hehehehe.....Salamat sa inyong lahat.

Comments

MaMely said…
Mukhang masarap ng iyong sugpo Dennis!my favorite!!gusto kong pinag-twist mo ng sangkap...asukal. never heard of it before, but I bet ito'y masarap.
Dennis said…
Tinitiyak ko sa iyo MaMely na masarap ito talaga. Just like yung sauce ng fishball...di masarap yung lasa ng anghang at tamis? Ganun ang naisip ko sa lutong ito. Magandang mag-blend ang lasa ng anghang at tamis. Try it.....

Dennis
MaMely said…
ang galing mo talaga!!!
Anonymous said…
hi po kuya dennis!!!!
ask q lang po sana qng pano pagluto ng sugpo na parang fried lang ang dating pero pag tinikman mo na malalasahan mo ung linamnam at sarap kz lutang na lutang ung butter and garlic... sana po mapost nio qng pano pagluto nun, salamat po....
Dennis said…
It's the same...i-blend mo lang mabuti yung sauce sa sugpo...then hayaan mo lang hanggang sa matuyo ang sauce at kumapit na sa sugpo. do not overcooked titigas ang laman ng sugpo mo.

Thanks for visiting ....ano nga name mo?

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy