Crispy Chicken with Mayo-Garlic Dip - Mix Vegetables in Butter

Crispy Chicken Fillet


Mix Vegetables in Butter


Yesterday, My wife Jolly informed me, na may darating kaming bisita at sa bahay magdi-dinner. Tinanong niya sa akin kung ano daw ang naka-schedule na ulam namin for dinner at kung magkakasya ito sa aming lahat plus the guest.

Ang naka-schedule sana na dinner ay simpleng Fried chicken fillet at magluluto na lang ako ng mga instant na soup. Pero komo nga may bisita, naisip ko na gawin itong special para naman masiyahan sila at amg mga bata.


So ang niluto ko, Crispy Chicken fillet with Mayo-Garlic Dip, Mix Vegetables in Butter at Instant Crab and Corn Soup. I will concentrate dun sa chicken. Madali lang naman lutuin yung gulay at soup. Kung may tanong kayo tungkol dun, just leave a comment or email me at denniscglorioso@yahoo.com.

Crispy Chicken fillet with Mayo-Garlic Dip

Mga sangkap:

1 kilo Chicken Fillet - Yung sa hita mas mainam para may konting balat

1/2 cup calamansi juice

salt and pepper

Maggie magic sarap

1 egg

Japanese Bread crumbs

cooking oil for frying


For Dip:

1/2 cup mayonaise

1/2 cloves garlic

salt and pepper

1/2 cup full cream milk

maggie magic sarap

Paraan ng pagluluto:

1. Hiwain ng pahaba ang chicken fillet

2. I-marinade ito sa calamansi, asin, paminta at maggie magic sarap. Mas matagal i-marinade mas mainam

3. Sa isang kawali, painitin ang mantika. Dapat lubog ang ipi-prito dito

4. Ilubog ang chicken fillet sa binating itlog at i-roll sa japanese bread crumbs. Idiin ng konti para dumikit ng husto ang bread crumbs. Maaring ulitin ang proseso para mas crispy ang kakalabasan.

5. Ihulog ito sa kumukulong mantika haanggang maluto at ilagay sa isang lalagyan na may paper towel para maalis ang excess na mantika.

6. In a soup bowl, pag-haluin ang lahat ng sangkap para sa dip.

7. Tikman at mag-adjust ayon sa inyong panlasa.

8. Ihain ang Crispy chicken kasama ang dipping sauce


Enjoy!

Comments

Cool Fern said…
katakam takam talaga tong luto mo..
the vegies are perfectly cook..
Dennis said…
Thanks Ms. Cool Fern.....lalo tuloy ako na-i-inspire na mag-post pa ng mga niluluto ko.

Thanks again...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy