Crispy Pata my own version
Good Day! Sa mga espesyal na handaan sa ating mga Pilipino, hindi nawawala ang lechon baboy. Basta meron nito, siguradong big time ang handaan. Kasi naman ang sarap talaga nito lalo na kung malutong ang pagkakaluto ng balat...hehehehehe. Samahan pa ito ng malinamnam na sarsa....hehehehe. Pero komo mahal ang kilo ng lechong baboy, bakit hindi na lang tayo mag lechong kawali o kaya naman crispy pata...wow yummy!
Isang araw, naisipan kong magluto ng Crispy Pata. Pero komo nga may kahirapan ang pagluluto nito (kasi naman nagpuputukan at nagkalat ang mantika habang piniprito....hehehehe), naisipan kong bakit hindi ko na lang ito iluto sa turbo broiler...tipid pa ako sa mantika. So ganun nga ang ginawa ko and you know what? ang sarap ng kinalabasan.
Mga Sangkap:
1 large pata ng baboy
tanglad or lemon grass
laurel
3 ginayat na siguyas
asin
pamintang durog at buo
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola o kaldero, ilagay ang pata ng baboy kasama ang lahat ng sangkap. Dapat nakalubog ang pata sa tubig. Damihan ang asin at paminta
2. Pakuluan at hintaying lumambot ang pata. Yung tamang lambot lang.
3. Palamigin at ilagay sa freezer. Gawin ang 1-3 steps 1 day or more bago lutuin.
Pwede itong lutuin as crispy pata o yung prito na lubog sa mantika o kaya using a turbo broiler. Ang ginamit ko dito turbo broiler.
4. Ilagay ang niluto at pinalamig na pata ng baboy sa turbo broiler at lutin sa 350 to 400 degrees na init sa loob ng 1 oras o hanggang sa pumula ang balat nito.
5. From time to time pahiran ng malamig na tubig ang balat ng pata. Nakuha ko ang ideang ito nung bata pa ako. Nakikita ko kasi yung nagle-lechon dun sa amin, pinapahiran ng tubig yung balat ng nililichong baboy para daw lumutong ang balat. So ganun nga ang ginawa ko dito. At alam nyo...ang lutong nga ng balat na kinalabasan. Kaya tingnan nyo yung pict ng niluto ko....parang lechon di ba?
4. Hanguin kung mapula na ang balat
Ihain ito na may mang tomas sarsa ng lechon o pinahalong suka, kalamasi, toyo, sibuyas at paminta. Garantisado akong solve na naman ang kain ninyo....hehehehehe
Maari din itong gawing pulutan....hehehehe
Enjoy!!!
Comments
Siguro Crispy pata pa rin ala Dennis...hehehehe....kasi crisping-crispy talaga ang balat nito. At isa pa...1 cup of oil ata ang natanggal sa patang yan dahil nga turbo broiled.... e di healthy din di ba?
Just like sa na mentioned ko sa post....ginaya ko yung ginagawa ng magle-lechon sa amin....from time to time bina-brush ko ang balat ng tubig para lumutong.
Thanks again cool fern for visiting my blog.
Dennis