De Latang Mackerel with Sotanghon in 15 minutes
Tama ang nabasa ninyo na title, "De Latang Mackerel with Sotanghon in 15 minutes".
Last Monday, di ko maiisip kung ano ang uulamin namin for dinner. After nung kainan last Saturday, parang busog pa ang pakiramdam ko sa aking mga niluto....hehehehe. So nagbukas ako ng cabinet at tiningnan ko kung ano ang pwedeng lutuin... although may mga manok at baboy pa sa ref. So yun nga may nakitang akong dalawang lata ng mackerel (Saba brand) at sotanghon. Yun nga ang niluto ko at masarap naman ang kinalabasan.
Mga sangkap:
2 big can Saba Mackerel in oil
sotanghon noodles (yung 100 grms. lang ata yun)
bawang
sibuyas
kamatis
young onion leaves
achuete seeds
salt and pepper to taste
maggie magic sarap
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kasirola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis
2. Buksan ang de lata at ibuhos ang sabaw nito sa ginisa
3. Ilagay ang sotanghon, dagdagan ng konting tubig at hayaang kumulo
4. Ilagay ang laman ng mackerel
5. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Lagyan din ng katas ng achuete to add color sa dish
6. Ilagay ang ginayat na onion leaves
Ilagay sa isang soup bowl at ihain ng mainit.
In less than 15 minutes may masarap ka ng ulam na may sabaw.
Enjoy!!!
Comments
been cooking this before but i was using the sardinas at nilalagyan ko ng cabbage
Dennis