Fish Fillet and Tofu in Oyster Sauce


It's Ash Wednesday today. Sa ating mga katolikong kristyano, ito ang simula ng tinatawag nating Mahal na Araw. Ito ang panahon ng pag-alala natin sa ginawang pagliligtas sa atin ni Hesus sa ating mga kasalanan.

Sa mga panahong ito, nararapat lamang na mag-alay din tayo ng kaunting sakripisyo sa ating mga sarili. Kasama na dito ang pagbabawas ng kinakain o ang di pagkain ng karne sa mga panahong ito.

Kaya ngayon, ang recipe natin ay naayon sa araw na ito. Fish Fillet and Tofu in Oyster Sauce. Try this!




FISH FILLET AND TOFU IN OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:

1/4 kilo Fish Fillet (Sa recipe na ito cream of dory ang ginamit ko. Maari ding tilapia, lapu-lapu o tuna)

4 pcs. tofu o tokwa

1 carrot

5 pcs. calamansi

leeks

1/4 cup Oyster Sauce

1 medium size onion

garlic

1 tumb size ginger

salt an pepper to taste

sugar

cooking oil for frying

1 tbsp cornstarch

1 tbsp flour

1 egg

Maggie magic Sarap


Paraan ng pagluluto:

1. Hiwain ang fish fillet ng pahaba o strip
2. I-marinade ito sa asin, paminta, maggie magic sarap at katas ng calamansi. Mas matagal i-marinade mas mainam

3. Paghaluin ang 1 itlog, flour o harina, maggie magic sarap, asin at paminta. Haluing mabuti.

4. Alisin ang marinade mix mula sa isda at ihalo ang pinaghalong sangkap sa #3.

5. I-prito sa kumukulong mantika at hanguin sa isang lalagyan

6. Hiwain ang tokwa ng pa-cube. I-prito sa kumukulong mantika at ihalo sa pinaghanguan ng piniritong fish fillet

Para lutuin ang sauce:

1. Hiwain ang carrots at leeks ng pahaba. Maari ding lagyan ng design ang pag-hiwa ng carrots

2. Hiwain ng pino o gadgarin ang luya

3. Sa isang sauce pan, igisa ang bawang, sibuyas at luya sa kaunting mantika

4. Ilagay ang carrots at lagyan ng kaunting tubig (1 cup)

5. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang carrots

6. Ilagay ang puting bahagi ng leeks at oyster sauce. Timplahan ng asin, paminta at asukal ayon sa inyong panlasa. Ang tamang lasa nito ay matamis-tamis.

7. Lagyan ng tinunaw na corstarch para lumapot ang sauce

8. Ibuhos ito sa ibabaw ng piniritong fish fillet at tofu

9. Ihain habang mainit

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
sarap nito ah..
tamang tama for the lenten season..
Dennis said…
Tama ka dyan...yun lang napakonti ang sauce kaya medyo bitin...hehehehehe. Pero masarap talaga siya. Masarap pala talaga ang sugar sa oyster sauce...lumalabas talaga yung flavor...kakaiba talaga...hehehehe.

Dennis
Anonymous said…
hi! natry ko na ito iloto kagabi. habang malapit ng dumating ang asawa ko galing sa mla. ang ginamit ko ay maya maya. masarap po nagustuhan ng mga babies ko.frm che

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy