Honey-Lemon-Ginger Chicken
Hello! Narito ang isang lutuin na inspired mula sa blog ni Ms. Connie Veneracion ng http://www.pinoycook.net/. Everyday, hindi pwedeng hindi ako magbi-visit sa blog niya to check kung ano ang bago niyang niluto. Sa pag-ba-browse ko sa kanyang site, may nakita akong isang lutuin na sa tingin ko ay masarap at magki-click sa sa aking pamilya. Ito ay ang Honey-Lemon-Ginger Chicken.
Kagaya nga ng sinabi ni Ms. Connie, mas mainam na lagyan natin ng twist ang mga lutuin na ating natututunan. Kagaya ng recipe natin na ito for today. Nilagyan ko ng twist kaya naman mas lalo siyang sumarap.
HONEY-LEMON-GINGER CHICKEN
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken legs cut into 2 (drumstick and thigh)
1 lemon
1/2 cup honey
ginger
10 pcs. calamansi
carrots (Hiwain na parang palito ng posporo)
salt and pepper
butter
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa calamansi, asin, paminta at kalhating lemon. Mas mainam kung overnight o ilang oras bago lutuin
2. I-prito ang manok sa butter hanggang pumula ng konti ang balat at itabi sa isang lalagyan
3. Sa pinag-prituhan ng manok, igisa ang luya na ginayat ng pino
4. Ilagay ang pinirtong manok at yung marinade mix. Lagyan ng tubig kung kinakailangan
5. Takpan hanggang sa maluto
6. Ilagay ang honey at haluin para kumapit ang lasa ng luya at honey
7. Hinaan ang apoy para hindi masunog ang honey..halu-haluin
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang ginayat na carrots
Ihain ng may mainit na kanin.
Enjoy!!!!
Nasaan ang twist? In the original recipe, walang calamansi....dito nilagyan ko nito at mas matagal ang pag-marinade. Mas naging malinamnam ang lasa ng manok sa ganitong paraan. Yun lang.....hehehehehe
Comments