Jolly's Pasta Aligue


Good Day to all!!!

Last Saturday January 31, me and my wife Jolly celebrated our 11th Wedding Anniversary. Syempre, papano ba ito ise-celebrate kundi sa pamamagitan ng pagkain. hehehehehe. Naisip ko na komo espesyal para sa amin ang araw na ito, I decided to cook special food na hindi namin pangkaraniwang kinakain. So I cooked Pasta Aligue, Chili Garlic Prawn in Lemon Sauce, Pinaputok na Tilapia and Roasted Chicken ala Anton.

We decided also to invite some of our friends para naman makasama namin sa aming celebration. And you know what? Lahat sila nag-enjoy sa pagkaing inihanda namin.....hehehehe. Si Mareng Beng ko nga (the girl in thumbs up sign) nag-request na ipangalan ko daw sa pamilya niya ang isa sa mga niluto ko...Ofcourse react agad ang aking esmi at bakit hindi naman daw sa pangalan niya....hehehehehe. So in this post I decided to name our recipe for the day JOLLY'S PASTA ALIGUE. Para sa iyo ito Mommy.....hehehehe




Syanga pala, gagawin kong pa-isa-isa ang post ng recipe ng mga niluto kong ito para magkaroon naman ng suspense....hehehehehe. Wag kayong mag-alala at lahat ay ishe-share ko sa inyo ang recipe ng mga ito. Ibibigay ko din ang ilan sa mga twist na ginawa ko sa mga ito. So let's start:


JOLLY'S PASTA ALIGUE

Mga Sangkap:

1/2 kilo Spaghetti Pasta or any kind of pasta

Taba ng talangka - Mabibili ito sa mga supermarket...yung maliit na bote lang ang kailangan

butter

1 cloves Garlic

2 whole onion

Bunch of fresh basil

cheese

maggie magic sarap

salt and pepper


Paraan ng pagluluto:

1. Iluto ang pasta ayon paraan ng pagluluto....i-drain at ilagay sa isang lalagyan

2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. Mas mainam medyo toasted or mapula na yung bawang.

3. Ilagay ang taba ng talangka at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa

4. Gayatin ang fresh basil at ilagay sa niluluto. Haluin

5. Hinaan ang apoy ng kalan at ilagay na ang pasta. Haluing mabuti hanggang maging pantay ang kulay at equally mixed na ang sauce sa pasta.

6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng ginayat na fresh basil at keso sa ibabaw.


Enjoy!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy