Liempo ala Jake


Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang tawag sa lutong ito. Yung iba ang tawag ay bagnet...yung iba naman lechong kawali. Pero komo nga nilgyan ko ng twist ang lutong ito, inangkin ko na ang recipe at pinangalanan kong "Liempo ala Jake".



Si Jake pala ay ang panganay kong anak. He's 11 years old. Kagabi kasi nung niluluto ko ito, sabi niya.."Daddy, pwede natin iyang ipambenta". Aba gusto pang mag-negosyo ng aking anak...hehehehe. So ayun nga, kaya sa kanya ko ipinangalan ang lutong ito.


Mga Sangkap:

1 to 1.5 kilos Pork Liempo (Piliin nyo yung di masyadong makapal ang taba)

salt and pepper

maggie magic sarap

calamansi juice

bawang


Paraan ng pagluluto:

1. Gilitan ang liempo ng pahaba. Parang maghihiwa ka ng pang-ihaw na liempo pero hindi mo isasagad o puputulin.

2. Sa isang lalagyan, paghaluin ang asin, paminta at maggie magic sarap

3. Ikiskis (rub) ang mga ito sa laman ng liempo.

4. I-marinade ito sa pinaghalong calamansi juice at bawang.

5. Ilagay sa isang plastic o lalagyan at hayaan mababad ng 1 oras. (Mas mainam kung overnight o matagal ang pagka-babad)

6. Kung lulutuin na, lutuin ito sa turbo broiler at 350 degrees na init.

7. From time to time pahiran ng pinag-marinade-an ang balat o katawan ng liempo

8. Hanguin ito kung sa tingin ninyo ay luto na at mapula na ang balat.


Masarap kainin ito kung may sawsawan na pinaghalong toyo, suka, calamansi at sibuyas. Pwedeng lagyan ng kaunting asin at asukal ayon sa inyong panlasa.


Enjoy!!!

Comments

MaMely said…
dennis ano ba yung maggie magic sarap? ano ang puedeng altenative kung wala ito? thank you!
Dennis said…
Dito ka ba sa Pilipinas MaMely? Palagay ko hindi....Anyway, seasoning lang siya just like vetsin or MSG. Optional ito...yun lang gumagamit pa rin ako kasi na-e-enhance nito ang flavor ng niluluto.

Thanks again for visiting mg blog.

Dennis
Cool Fern said…
hi ,dennis, na alaala ko tuloy ang aking turbo broiler noon..ewan ko kung saan na yon ngayon..but i have used it a lot of times..esp sa manok..turbong manok..
Dennis said…
Hehehehe.....yung turbo broiler namin actually is regalo pa nung kami ay kinasal. Awa naman ng Diyos ay hindi pa ito nasisira after 11 years....hehehehe. Okay gamitin ito sa pagluluto kasi inaalis nito ang mga sobrang taba sa baboy man o sa manok. Yun lang medyo malakas ito sa kuryente.....hehehehehe

Dennis G.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy