Pasta with Garlic, Basil and Cheese
Hello! Eto na naman ang isang niluto ko na maituturing ko na experimental talaga. This is the first time na niluto ko ito and it's a success. Talagang nagustuhan ng mga anak ko at maging ang aking kapitbahay.
Remember yung niluto kong Pasta Aligue? Nung niluto ko yun hindi ko ginamit ang lahat ng pasta. Ayoko ko kasing matabunan ng pasta ang lasa ng aligue. So nilagay ko lang yung iba sa ref at bahala na kako kung ano ang pwede ko pang magawa dun. Ang unang iniisp ko ay gamitin yun sa carbonara pero naisip ko mahal din nga pala yung mag sangkap sa pagluluto nun....hehehehe.
That day nabasa ko yung recipe ni Ms. Connie Veneracion ng Pinoycook.net na Pasta with Pesto. Although, hindi pa ako nakakagawa ng pesto basta ang alam ko ang base na sangkap niya ay basil at olive oil.
So ayun, yun ang inspiration ko nung niluto ko ang pastang ito. Pasta with Garlic, Basil and cheese.
Ang mga sangkap:
250 grams of cooked pasta
butter
olive oil
1 cloves garlic
fresh basil leaves
cheese
Maggie magic sarap (optional)
salt and pepper
Paraan ng pagluluto:
1. Iluto ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-overcooked....ilagay sa isang lalagyan
2. Gayatin ng pino ang mga dahol ng basil. Dikdikin ang bawang
3. Sa isang kawali non-stick pan, maglagay ng butter at ilagay ang bawang. Hintayin hanggang sa medyo pumula.
4. Ilagay na rin ang ginayat na dahon ng basil at halu-haluin.
5. Ilagay na ang pasta at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa
6. Ilagay na rin ang olive oil (mas marami mas mainam) at cheese
7. Haluin hanggang sa maikalat ang lahat ng sangkap sa pasta
I-hain habang mainit. Mainam ihain na may kasamang toasted bread.
Try nyo ito....masarap talaga. Ayos na ayos ito sa mga nagda-diet. Yung kapitbahay ko ngang pulis nagustuhan kaya ayun nagpapaluto sa akin at dadalihin daw niya sa office niya...hehehehehe
Enjoy!!!!
Comments
Dennis