Pasta with Ham and Basil in Spagetti Sauce


Good Day!!! This is just an ordinary dish. Nag-mukha lang siyang medyo sosyal maybe because of the basil....hehehehehe. Actually mula nung maka-gamit ako ng dahong ito, na-inlove na ako sa pag-gamit nito lalo na sa mga pasta dishes. The taste is really good. Try nyo din.

Last Valentines Day, ito ang niluto ko for the dinner. Although, nag-lunch date na kami ng wife kong si Jolly, syempre kasama dapat ang mga bata sa celebration. Ito lang ang niluto ko at bumili na lang ako ng lechong manok. Ok naman. Everybody enjoys the food.


PASTA WITH HAM AND BASIL IN SPAGETTI SAUCE

Mga Sangkap:

1/5 kilo Pasta - Pwedeng macaroni, spagetti or pene

250 grams sweet ham

Fresh Basil leaves

Spagetti Sauce

Cheese (any brand)

Butter

Olive oil

1 cloves Garlic

1 large Onion

Salt and Pepper


Paraan ng pagluluto:

1. Iluto ang pasta ayon sa tamang paraan....i-drain at ilagay sa isang lalagyan

2. Gayatin ng pino ang basil, sibuyas at bawang

3. Gayatin din ang ham na parang match sticks

4. Sa isang kawali o non stick pan, igisa ang bawang at sibuyas sa butter

5. Halu-haluin at ilagay ang ginayat na basil. Maari na din isunod ang ginayat na ham

6. Ilagay na ang spagetti sauce at timplahan ng asin at paminta

7. Maari ding gadgaran ito ng keso.

8. Ihalo ang nilutong pasta....Lagyan ng mga 3 tbsp. ng Olive oil

9. Ilagay sa isang lalagyan at lagyan sa ibabaw ng ginayat na cheese, ham at frsh basil.


Ihain na may kasamang toasted bread to fried chicken.


Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
hmmmm, very creative..yummy looking..
Dennis said…
Thanks....alam mo hindi ako ganun ka-satisfied nung kinain ko na siya after cooking. But after 2 days napansin ko may natira pa sa ref....so ang ginawa ko ininit ko lang at binaon ko sa office. Ang you know what? Mas masarap siya...hehehehehe....I dont know why...pero mas na-appreciate ko yung lasa after two days...hehehehe
Cool Fern said…
gutom ka lang siguro kaya nasarapan ka..joke joke joke..
i don't know pero basta gutom ka, anything na ihahain sa 'yo is masarap...
baka ako lang 'to...(laughing)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy