Pinaputok na Tilapia at Anton's Chicken
First, Pinaputok na Tilapia. Actually hindi ko alam kung bakit ito ang tawag sa lutong ito. Basta tinawag ko lang siyang ganyan base sa mga nabasaw ko na na recipe sa internet....hehehehehe. Yung iba kasi binabalot sa dahon ng saging tapos piniprito. Yung last na post ko niluto ko siya using turbo broiler. Ito naman, niluto ko using square pan sa ibabaw lang ng kalan. Kagaya ng sinabi ko dun sa unang post ko, pwede namang gumamit ng turbo broiler, oven, ihaw sa baga o kaya naman sa kawali. Bukod sa paraan ng pagluluto ang inilagay ko na tanglad ay yung fresh pa. Ibig kong sabihin sariwa pa yung mga dahon as in green pa. And you know what? Mas masarap ang kinalabasan ng lasa. And ofcourse puring-puri ng mga guest ko ang lutong ito.
Pangalawa, Anton's Chicken. Na-post ko na din ang recipe sa lutong ito. Kagaya ng nasabi ko sa post na iyun, kinuha ko ang tawag sa lutong ito mula sa aking bunsong anak na si Anton. Siya ang nag-pangalan sa recipe ko ito.
Ang dagdag kaalaman lang na gusto kong i-share para sa lutong ito ay ang pag-gamit ng bagong katay na manok. Dito sa amin sa Cubao may mabibiling ganito sa Farmers market o kaya naman sa Arayat Market. Yung pagkasariwa ng manok ang siyang nagdadagdag ng sarap sa lutong ito. And ofcourse yung fresh na tanglad. Mas malasa at malinamnam ang tanglad kung sariwa itong ilalagay sa niluluto at ang bango-bango pa...hehehehehe
Tingnan nyo kung gano ka-juicy at kalinamnam ang manok na ito sa picture pa lang. Na-Chop na pala yung manok kay ganyan na ang itsura....hehehehehe.
Enjoy!!!
Comments