Pork Nilaga - My childhood version
Hello! Sa panahon ngayon dapat lang na pagtuunan natin ng pansin ang pagtitipid. Mapapansin nyo, kabi-kabila ang tanggalan sa trabaho, nagsasarang mga kumpanya. Pagtitipid na hindi naman ibig sabihin hindi na tayo kakain o kaya naman kung ano-ano na lang ang kakainin natin. Ika nga pwede naman tayong magtipid na hindi isinasakripisyo ang nutrisyon at lasa ng pagkain.
Nung mga bata pa kami, natatandaan ko, komo mahirap lang kami, ginagawan ng paraan ng aking Inang kung papano mapagkasya ang aming ulam sa aming lahat. Komo nga magaling magluto ang aking ina, nagagawan niya ito ng paraan. Papano, gumagamit siya ng extender. Ano yun? Yun yung mga bagay na inihahalo sa lutuin para dumami. At eto nga ang recipe natin para sa araw na ito.
Pork Nilaga - My childhood version
Mga sangkap:
1 kilo Pork spareribs or buto-buto
1/2 repolyo
pechay
100 grams baguio beans
4 pcs. saging na saba
2 pcs. medium kamote
sibuyas
pamintang buo
asin
maggie magic sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaldero, pakuluan ang karne o buto-buto hanggang sa lumambot. Lagyan na ng asin
2. Kung malambot na, maari na itong lagyan ng sibuyas at pamintang buo.
3. Ilagay na din ang saging na saba at kamote
4. Kung luto na ang saba at kamote, ilagay na ang baguio beans
5. Pakuluin sandali at ilagay na ang repolyo at pechay.
6. Timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap kung kinakailangan.
7. Ihain habang mainit.
Enjoy!!!
Nasaan ang extender? Yung saging na saba at kamote. Nung araw kasi, komo nga mahal ang karne ng baboy, nilalagyan ng Inang ko ng saba at kamote ang nilaga. Tig-iisang piraso lang kami ng karne ng baboy at lalagyan na lang ang plato namin ng mga gulay na sahog. Di ba matipid at masustansya pa?
Isang mumunting tip mula sa inyong lingkod......
Comments
Kadi-discover ko lang ng blog mo. Ang galeng-galeng ng contents. Maraming pwedeng magamit sa pang-araw araw or pang special occasion din. Intriguing yong okoy, bagkat at yong sardinas na may sotanghon. Bagong-bago talaga yong recipe na yon sa kin. Great job sa blog. Naka-bookmark na sa kin to at palagi kong papasyalan. Pag nakaluto ako ng anomang recipe,I'll make sure na kukunan ko ng litrato at i-share ko sa yo. most of all, nabasa ko rin na taga Bocaue ka pala. Tubong Bocaue din ako, sa Binang 1st pero dito nako based sa States ngayon. Saan ka nga pala sa Bocaue?