Sarciadong Isda
Hello! Another simple dish. Sarciadong Isda. Nung mga bata pa kami, madalas ganito ang ulam namin. Lalo na pag panahon at mura ang kamatis. Kagaya nga nung nasabi ko sa Pork Nilaga entry ko, sa panahon ngayon na mahal ang mga bilihin, kailangan natin na mag-tipid at gumamit ng mga extender kagaya ng gulay, para maging sapat ang ating inuulam sa pagkain.
Napakadali ng lutong ito. Alam ko marami sa atin ang alam na alam na kung papano ito lutuin. Kaya eto simulan ko na:
Napakadali ng lutong ito. Alam ko marami sa atin ang alam na alam na kung papano ito lutuin. Kaya eto simulan ko na:
SARCIADONG ISDA
Mga Sangkap:
4 pcs. medium size tilapia (Pwede din ang dalagang bukid, bangus, galunggong, etc. sa lutong ito)
1/4 kilo kamatis
bawang
sibuyas
1 egg
cooking oil for frying
maggie magic sarap (optional)
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa kumukulong mantika, i-prito ang isda at hanguin sa isang lalagyan
2. Sa isang kawali, igisa sa mantika ang bawang, sibuyas at ang ginayat na kamatis
3. Lagyan ng kaunting tubig at halu-haluin hanggang sa madurog ang lahat ng kamatis
4. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa
5. Ilagay ang binateng itlog at halu-haluin
6. Hanguin at ibuhos sa ibabaw ng piniritong isda
7. Hayaan muna ng ilang sandali bago kainin para masipsip ng piniritong isda ang sauce ng ginisang kamatis.
Masarap kainin ito ng naka-kamay kasama ng mainit na kanin.....hehehehe
Comments
Keep on visiting my blog Cool Fern......thanks