Arroz Caldo - Nilugawang Manok


Sa tagalog ang tawag dito lugaw. Pero pag nilagyan mo na ito ng laman naiiba na ang tawag dito. Halimbawa, pag nilagyan mo na ito ng lamang loob ng baboy o baka (twalya o tokong) nagiging Goto na ang tawag dito. Pag nilagyan mo naman ng manok, ang tawag na dito ay Nilugawang Manok o kaya naman Arroz Caldo. Sa mga Intsik naman Congee. Masarap din itong kainin kasama ang Tokwa't baboy na may maanghang na suka. hehehehe

Hindi ko alam kung saan namgmula ang lutuing ito. Kung sa China ba o sa Espanya. Ang masasabi ko lang masarap talaga siya. Mahirap man o mayaman, alam ko gusto nilang kumain nito. Mapa almusal man o meryenda.


ARROZ CALDO - NILUGAWANG MANOK

Mga Sangkap:

1 cup Malagkit na bigas

1 cup ordinaryong bigas

1/2 kilo manok (Hita ang ginamit ko dito. Hiwain na parang pang-adobo)

1 cloves garlic

1 large onion

1/2 cup luya (hiniwa na parang palito ng posporo)

Onion leaves

asin o patis

Maggie magic Sarap (Optional)


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa sa mahinang apoy ang bawang hanggang sa pumula. Hanguin sa isang lalagyan.

2. Isunod ang luya at sibuyas. Halu-haluin.

3. Isunod na ilagay ang manok, Halu-haluin at timplahan ng asin o patis. Takpan. Ang tawag dito sa amin sa Bulacan ...i-sangkutsa.

4. Hanguin ang manok sa isang lalagyan

5. Ilagay ang hinugasang malagkit at ordinaryong bigay. Lagyan ng tubig.

6. Halu-haluin palagi para di manikit ang bigas sa bottom ng kaserola. Tiyakin na may sapat na tubig hangang sa maluto at lumapot ang luwag.

7. Kung luto na ang bigas, ilagay na muli ang manok at halu-haluin muli.

8. Timplahan ng asin o patis at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.

9. Ilagay sa isang bowl o mangkok at lagyan sa ibabaw ng ginayat na onion leaves at toasted garlic.


Masarap kainin ito habang mainit at may kasamang pinigang calamansi sa patis.


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
nakupo...ang sarap sarap nito talaga..
palagi akong nagluluto nito...
there was a time na nilagyan ko siya ng cream of mushroom mga 2 tablespoons lang..for a twist kung baga...
Dennis said…
Di kaya matabunan ang lasa ng manok pag nilagyan mo ng cream of mushroom? TRy ko din minsan...kaso mahal ang cream of mushroom dito eh....hehehehehe.
Cool Fern said…
no kasi 2 kutsara lang naman..i mean kaunti lang para hindi ma overwhelm ang lasa ng cream of mushroom
jk050909 said…
This comment has been removed by the author.
jk050909 said…
kailangan po ba malagkit na bigas o pwede na lang purong ordinaryong bigas.. salamat

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy