Basil Fried Rice with Ham and Egg



Para hindi maging boring ang pagkaing inihahanda natin sa ating mga pamilya, mas mainam na ginagawan natin ito ng konting experiment. Twist kung baga. Kahit yung mga ordinaryong pagkain pwede nating gawan ng ganito. Hindi naman kailangan na bagong ulam o bagong recipe. Ang importante medyo kakaiba at masarap ang lasa. Sa pagluluto nga, walang exact na recipe...pwede mo itong iba-ibahin ayon sa gusto mong mangyari.


Halimbawa dyan ay itong niluto kong sinangag o fried rice. Sa halip na bawang lang ang sahog, nilagyan ko ng basil, ham at itlog. And presto...parang gourmet fried rice ang kinalabasan.


BASIL FRIED RICE WITH HAM AND EGG


Mga Sangkap:

4 cup cooked rice

3 butil na bawang

2 slices of break ham

1 scrambled egg

fresh basil leaves finely chopped

1 small sachet maggie magic sarap

1 tbsp soy sauce

2 tbsp. olive oil

salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kawali o non-stick pan, ilagay ang olive oil

2. Kung mainit na, ilagay ang scrambled egg. Huwag hayaang mabuo, halu-haluin hanggang sa maluto. Ilagay sa tabi ng kawali.

3. Ilagay ang bawang hanggang sa pumula ng kaunti

4. Ilagay ang ham at ang ginayat na basil leaves. Halu-haluin

5. Ilagay ang kanin. Timplahan ng asin, paminta, maggie magic sarap at toyo ayon sa inyong panlasa. Halu-haluin.

6. Ihain habang mainit.

Tara, kain na tayo!!!

Comments

Cool Fern said…
wow, sarap ng fried rice mo,dennis.
Dennis said…
Talaga...kahit nga ang esmi ko ay nasarapan sa sinangag na ito. Ang galing talaga ng basil leaves...kahit saan pwede talaga siyang gamitin. At naiiba talaga ang lasa ng lutuin.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy