Chicken Caldereta with Rosemary


Sa isang handaan o espesyal na okasyon sa mga Pilipino, hindi maaaring mawala ang caldereta. Mapa baboy man o baka o kaya naman ay manok, solve na solve ang bisita pag may handang ganito. Meron din nga calderatang kambing o kaya naman itik o duck. Siguro kaya love na love ang lutuing ito ng mga Pilipino ay dahil sa lasa nito na medyo maanghang at malasa talaga ang sauce.
Actually halos kapareho lang ang recipe ng caldereta sa menudo o kaya naman afritada. Ang pagkakaiba lang siguro ay yung medyo spicy ito.

Sa recipe natin ngayon, medyo nilagyan ko ng twist. Hindi ko alam kung may nakagawa na nito. Nilagyan ko ng dahon ng rosemary at alam nyo mas lalong sumarap ang love na love nating caldereta. Try it! Kakaibang eating experience na naman ito.

CHICKEN CALDERETA with Rosemary

Mga Sangkap:

1 whole chicken cut into serving pieces

1 small Del Monte Tomato sauce - Pinoy style

2 medium potatoes

1 large carrots

1 large red bell pepper

3 pcs. chili fingers

1 tbsp. Lee Kum kee chili garlic sauce

1 tbsp. peanut butter

1 tsp. dried rosemary

1 small sachet maggie magic sarap

salt and pepper


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola o kaldero, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.

2. Ilagay ang manok at timplahan ng asin at paminta. Hayaang masangkutsa muna ang manok.

3. After mga 5 minutes, ilagay ang chili garlic sauce, carrots at patatas. Halu-haluin

4. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay ang tomato sauce, peanut butter, red bell pepper at chili fingers. halu-haluin

5. Ilagay ang rosemary at maggie magic sarap. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.

6. Ihain habang mainit


Kain na tayo!!!! hehehehe

Comments

marinette_12 said…
Ito ang dinner namin tonight. Katatapos ko lang magluto at siguradong hit na naman ito. Sinadya kong di lagyan ng chili garlic sauce at bka di magustuhan ng kids. Anyway, pag dating ni hubby siguradong mas gugustuhin niyang lagyan ng chili garlic sauce ito.Thanks again! fr.marinette_12 a.k.a. momcancook
Dennis said…
Yung para kay hubby mo pwede mong lagyan ng chili garlic sauce...o kaya naman budbudan mo ng chili powder....the best ito.

Dennis\

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy