Pasta Carbonara


Another pasta dish tayo. Ito ang paborito ng bunso kong si Anton. After nung makatikim siya nito the last time na na-ospital siya, lagi na niya itong hinihiling sa akin na lutuin. Last birthday nga niya ito ang naging handa.

Madali lang naman ang pagluluto nito. Yun ang inam sa pasta, kahit ano ang ihalo mo okay pa din. Kung baga you just need some imagination to create a wonderful pasta dish. Halimbawa, kung mahilig ka sa sardinas..pwede din itong ihalo...dagdagan mo na lang ng cheese. O kaya naman your favorite chicken adobo...pwede din yun. Parang yung sa commercial ng Lucky me pancit canton di ba? kahit ano ilagay mo na toppings okay pa din....hehehehe

PASTA CARBONARA

Mga Sangkap:

1/5 kilo Spaghetti pasta cooked al dente

200 grams bacon

200 grams sweet ham (Hiwain na parang palito ng posporo)

1 big can alaska evap (full cream)

1/2 cup butter

1/2 bar cheese

1 cloves garlic

1 large onion finely chopped

1/2 cup flour

salt and pepper

Maggie magic Sarap (optional)


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola o sauce pan, lagyan ng butter at i-prito ang bacon. hanguin at ilagay sa isang lalagyan.

2. Igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin at ilagay ang ang ginayat na ham.

3. Ilagay ang gatas na evap at ginadgad na keso. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa. Hayaang medyo kumulo.

4. Ilagay ang tinunaw na harina at halu-haluin. Lagyan ng tubig kung kinakailangan ayon sa tamang lapot na gusto ninyo.

5. Ibuhos ito sa nilutong pasta at halu-haluin.

6. Ilagay sa ibabaw ang toasted bacon at ginadgad na keso


Masarap kainin ito na may kasamang french bread or toasted bread.

Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
masarap din ang garlic bread....
dito kasi,dennis, merong frozen garlic bread na i-bake mo na lang when you are making spaghetti...
Dennis said…
Ayos na ayos yan sa mga may high blood...hehehehe. Pero gusto ko din nun...lalo na pag bagong luto...hehehehe

Dennis
Unknown said…
wow..thats my favorite..

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy