Pata Tim My own version
I love Pata Tim. The first time na maka-tikim ako ng lutong ito talagang nasarapan ako. Ilang beses ko nang pinlano na magluto nito pero hindi matuloy-tuloy. Kaya the last time na mag-grocery ako, talagang ini-schedule ko na maging ulam namin ito for the week.
Last Sunday pala may naging bisita kami sa bahay. Sina Franny anf Shiela. Wala akong maisip na desserts kaya gumawa na lang ako ng fruit salad. Nanghinayang naman ako dun sa syrup ng fruit cocktail kaya tinabi ko. Yun ang ginamit ko for this Pata tim.
In this recipe, medyo binago ko ang mga sangkap at mas sinimplehan ko ang paraan ng pagluluto. And you know what? Ang sarap ng kinalabasan. Sabi nga ni Ms. Connie at naniniwala din ako sa ganun na walang exact recipe sa bawat lutuin na ginagawa natin. Kung baga, okay lang na lagyan natin ng iba o twist ang mga niluluto natin.
So umpisahan na natin....
PATA TIM - My Own version
Mga sangkap:
1 1/2 kilo na Pata ng baboy (Yung malaman)
Fruit cocktail syrup
2 pcs. star anise
1 cloves garlic
2 medium size onion
1/2 cup soy sauce
1 tbsp. Sesame oil
salt and pepper
sugar
1/4 kilo chinese pechay
cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang pata sa asin, paminta at fruit cocktail syrup. 2 to 3 days na nakababad may mainam.
2. Palambutin ang pata sa isang kaserola kasama ang pinagbabadan. Lagyan ng tubig kung kinakailangan.
3. Isama na rin ang ginayat na bawang, sibuyas at star anise.
4. Kung malambot na as in nahihiwalay na yung buto sa laman ng karne, ilagay ang toyo, asukal at timplahan pa ng asin at paminta. Hayaang kumulo pa sa loob ng 5 minuto
5. Ilagay ang chinese pechay at tinunaw na cornstarch
6. Ilagay ang sesame oil at hanguin sa isang lalagyan
7. Ihain habang maiinit.
Di ba ang dali lang? Try nyo at tiyak kong magugustuhan ng mga anak nyo ang lutong ito. Alam nyo kung ano ang nagpasarap dito? Yung matagal na pag-marinade sa syrup ng fruit cocktail at dun sa star anise.
Hanggang sa muli......
Comments
alei
Dennis
You may try this version of mine for Pata Tim. Pork Hamonado is also highly recomennded. Madali pang lutuin.
On the left side of the screen, click mo yung label na pork and it will show you all pork recipe that I have.
Dennis