Porkchop Aloha
Sobra akong natutuwa sa magandang feedback na natatanggap ko para sa food blog ko na ito. Kaya naman mas lalo akong ginaganahan na mag-luto pa at mag-post pa ng mga lutuin na masarap pero madaling gawin. Sana ipagpatuloy ninyo ang pag-visit sa blog kong ito at i-share nyo din ito sa inyong mga kaibigan.
Kagaya na lang ng isang maybahay na nag-comment, hindi daw siya marunong magluto at ang tagal-tagal na daw niyang naghahanap ng site na madaling sundan ang paraan ng pagluluto at eto nga nakita ang blog natin...hehehehe. Ngayon nagta-try na siyang magluto using our blog.
For today ang lulutuin natin ay Porkchop Aloha. Pangalawang beses ko pa lang ito nagagawang lutuin. Matagal-tagal na din yung last. Kaya eto sana magustuhan ninyo.
PORKCHOP ALOHA
Mga Sangkap:
1 kilo Porkchop
1 medium size can Delmonte Pineapple Slices
Juice from 6 pcs. calamansi
salt and pepper
maggie magic sarap
olive oil or butter
1 small size onion
3 butill na bawang
2 tbsp. brown sugar
1 tbsp cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang porkchop sa pinaghalong asin, paminta, calamansi juice at maggie magic sarap. Hayaan nakababad ng 1 oras. Overnight marinade mas mainam.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang porkchop sa olive oil o butter. Huwag i-overcooked...yung tamang pula lamang ng balat. Ilagay sa isang lalagyan.
3. I-prito din ang pineapple slices
4. Sa parehong pinaglutuan, maglagay pa ng butter
5. Igisa ang kaunting bawang at sibuyas
6. Ilagay ang syrup ng pineapple slices. Halu-haluin
7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch. Halu-haluin. Timplahan ng asin at asukal. lagyan ng tubig ayon sa tamang lapot. Ang tamang lasa nito ay naghahalong asim, tamis at alat.
8. Ayusin sa isang lalagyan ang piniritong porkchop, pineapple slices at ibuhos sa ibabaw ang ginawang sauce.
9. Ihain habang mainit.
Enjoy!!!
Comments
di ko alam pwede palang i prito ang pineapple..
sarap nito talaga
Dennis