Porkloin Asado


Asado. Ang alam ko ang original recipe nito ay galing sa mga Espanyol. Sa tagal na sinakop tayo nila, ang mga lutuin nila ang isa sa mga namana natin sa matagal na panahon. Katulad ng mga ulam na may Do sa dulo katulad ng Menudo at Embotido, marami itong variety. Depende na lang sa magluluto kung anong mga lahok pa ang kanyang ilalagay dito.

Sa asado version kong ito, yung sa mga Chinese ang ginamit ko. Actually wala akong recipe na pinaggayahan nito. Basta pinaghalo-halo ko lang ang mga sangkap, and presto ang sarap ng kinalabasan. Try nyo ito at natitiyak kong magugustuhan ninyo at ng inyong pamilya ang ulam na ito.


PORKLOIN ASADO

Mga Sangkap:

1 kilo Porkloin o Lomo

1/2 cup soy sauce

1/2 cup vinegar

salt and pepper

1 cloves garlic

1 onion

2 pcs. star anise

3 tbsp. brown sugar

juice from 4 pcs. calamansi

1/4 kilo chinese pechay

corn starch


Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang porkloin o lomo sa asin, paminta, calamansi, bawang, suka at toyo. Hayaan ng mga ilang oras bago lutuin.

2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang karne sa kaunting mantika o olive oil. Maarin hatiin ang karne kung hindi kasya sa kawali.

3. Hayaan medyo pumula ang piniprito at hanguin sa isang lalagyan.

4. Igisa ang bawang at sibuyas at ilagay na muli ang piniritong karne sa kawali.

5. Ibuhos ang pinababadan ng karne at ilagay ang star anise at brown sugar.

6. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung natutuyo na ang sauce.

7. Kung luto na ang karne hanguin ito sa isang lalagyan.

8. Ilagay sa kawali ang pechay hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan

9. Lagyan ng tinunaw na cornstarch ang kawali para lumapot ang sauce. Halu-haluin.

10. timplahan pa ng asin, paminta at brown sugar kung kinakailangan. Ang tamang lasa nito ay yung parang palaman ng siopao

11. Sa isang bandehado o plato, i-ayos sa gilid ang mga pechay na niluto.

12. Hiwain ang nilutong porkloin at ilagay sa platong may pechay.

13. Ilagay ang sauce sa ibabaw


Masarap itong ulam sa mainit na kanin at maging sa tinapay man.

Enjoy cooking and eating!!!


Comments

Cool Fern said…
sarap nito parang adobo siya ano?
Dennis said…
Parang ganun...pero dahil dun sa brown sugar at star anise...it's totally iba sa adobo. Sarap talaga nito....hehehehe

Dennis
MaMely said…
talang marami kang alam na lutuin. maganda rin ang presentation mo..I like your "twists" na ginagawa mo!
Dennis said…
Thanks MaMely....Importante sa mga lutuin kahit ordinaryo pagkain lang ang presentation. Mas nakakagana sa mata ng kakain ang niluto mo.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy