Sinampalukang Manok


According to our latest blog survey, nangunguna ang chicken sa mga luting gusto nyo pang i-post ko. Marahil takot ang marami sa atin sa mga sakit ng baboy na laman lagi ng mga balita at maging sa tv. Kahit nga ang asawa kong si Jolly, sinabihan akong huwag munang bumili ng baboy at may baka o manok na lang daw muna kami.....hehehehe

So eto nga, a chicken dish na masasabi kong Pilipino talaga. Sinampalukang Manok.

Sa amin sa Bulacan, usbong ng sampalok ang ginagamit sa luting ito. Ito ang nagpapa-asim sa lutuin at nagpapasap dito. So komo nga wala namang puno ng sampalok dito sa Manila, ginawan ko ng twist ang ang recipe. At alam nyo? Sobrang nagustuhan ng mga anak ko ang lutuing ito.

SINAMPALUKANG MANOK

Mga sangkap:

1 kilo Manok (Wings ang ginamit ko dito)

1 taling sitaw

1 taling kangkong

Luya (ginayat na parang match sticks)

2 pcs. siling pang-sigang

1/2 cloves garlic

1 medium size onion

2 pcs. tomato

1 small sachet Knorr Sinigang Mix

Patis

Magie magic Sarap


Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kasirola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika. Gawin ito ayon sa pagkakasunod-sunod. Halu-haluin

2. Ilagay ang manok at tamang dami ng patis. Haluin at takpan. Hayaan munang masangkutsa ang manok. Meaning, maluto muna ang manok sa sarili niyang juice.

3. Lagyan ng tamang dami ng tubig para sa sabaw at takpan muli.

4. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok.

5. Ilagay ang sitaw, siling pangsigang at Knorr sinigang mix. Takpan muli hanggang sa maluto ang sitaw.

6. Ilagay ang kangkong at timplahan ng maggie magic sarap. Lagyan pa ng patis kung kinakailangan.

7. Ihain habang mainit. Masarap na sawsawan ang nalutong siling pang-sigang na nilagyan ng patis.


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
sarap din 'to..
papawisan ka nito sa sarap...
Dennis said…
Yup...lalo na kung ang sawsawanh mo ay patis na may sili....hehehe.

Mas masarap ito kung usbong talaga ng sampalok ang gagamitin. Yun nga ang comment ng wife with this dish.

Dennis
Paula said…
Sarap nito at mas mura pa kesa sa baboy. :)
Hope you can visit mine:
Chicken Sinigang Recipe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy