Stir Fry Hotdogs with Basil


Itong dish na ito is actually experimental. Nagawa ko na ito a long long time ago nung binata pa ako. Nag-bo-board ako noon sa may Baclaran at kasama ko ang mga ka-officemate ko din. Kapag hindi kami umuuwi ng kani-kaniyang probinsya, ano pa ang pwedeng gawin sa boarding house kundi mag-inuman. Hehehehehe.

Actually pulutan ito nung una kong ginawa. Pero naisip ko, pwede din naman ito na ulam sa breakfast. Nakakasawa na kasi ang laging prito sa hotdogs. So yun nga, ito ang ginawa ko sa hotdogs at nilagyan ko lang ng kaunting twist.



STIR FRY HOTDOGS WITH BASIL

Mga Sangkap:

1/2 kilo Jumbo Purefoods Hotdogs

1 cup Del Monte Tomato Catsup Sweet Blend

1/2 cloves garlic

2 tbsp. olive oil or ordinary cooking oil

1 onion

a little bunch of chopped basil leaves

Salt and Pepper


Paraan ng pagluluto:

1. Hiwain ng 1/2 inch ang hotdog

2. Sa isang kawali o non-stcik pan, i-prito ang hotdog sa olive oil
3. Itabi sa gilid ng kawali ang hotdog at igisa ang bawang at sibuyas

4. Ibuhos ang tomato catsup at halu-haluin

5. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa

6. Ilagay ang ginayat na basil. Halu-haluin

7. Ihain habang mainit


Maari din itong ihalo sa pasta or maging palaman sa tinapay.


Try it!

Comments

Anonymous said…
yum yum yum
Dennis said…
Salamat po at nagustuhan nyo :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy