KALDERETANG BATANGAS


Di ba nabanggit ko na hindi kami nag-handa nung tapusan sa mga biyenan ko sa Batangas at naki-fiesta na lang kami sa mga taga roon. Sa kapatid ng asawa kong si Jolly kami naki-tanghalian ng araw nay un at nagustuhan ko talaga yung beef caldereta na handa nila.

Napansin ko lang na ibang-iba ang pagkaluto nila ng caldereta. Di katulad ng alam natin na luto na may tomato sauce ito. Yung sa kanila ay wala…pero malasa at malinamnam ang sauce.

Kaya nung mapadalaw sa bahay naming ang pamangkin ng asawa ko na si Keth, tinanong ko sa kanya ang mga sangkap sa pagluluto ng calderetang Batangas at ibinigay naman niya. Nilagyan ko na lang ng kaunting twist para ma-improve ko pa ang dish. At hindi naman ako nabigo. Masarap at malasa ang calderetang Batangas na niluto ko.


KALDERETANG BATANGAS

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket
1 small can Reno Liver Spread
2 tbsp. Lean Perins Worcestershire Sauce
½ cup Pickle Relish
1 cup grated Cheese
1 large onion chopped
1 cloves minced garlic
1 large tomato chopped
Salt and pepper to taste
½ tsp. Chili powder (Depende kung gaano kaanghang ang gusto ninyo)
½ cup Butter or Star margarine
1 tsp. Maggie magic sarap (optional)

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluuan ang karne ng baka sa tubig at asin hanggang sa lumambot.
Hanguin ito…palamigin….at hiwain sa nais na laki.
2. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter. Halu-haluin.
3. Ilagay ang hiniwang karne ng baka.
4. Timplahan ng asin, paminta, chili powder, pickle relish at Worcestershire sauce. Hayaang masangkutsa.
5. Lagyan ng mga 2 tasang sabaw ng pinaglagaan ng baka at hayaan ng mga 5 minuto.
6. Ilagay ang liver spread at grated cheese. Halu-haluin.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Wow naman kuya... yan din ang post na kasalukuyan kong tina-type, pero yung sa akin ay ready-made hahaha. By the way, adjust nyo po yung widgets nyo sa kaliwa kasi puro "Lorem Ipsum blah blah" yung nakasulat. Yan po kasi yung sample sa template.
Dennis said…
Oo nga...hindi pa tapos ito.....kagabi ko lang kasi naisipang gawin ito...di naman kasi pwede d2 sa office.

Thanks again J
FoodTripFriday said…
Mukhang masarap ito, salamat sa pag post ng recipe mo.
charmie said…
wow sarap.. talagang lutong Pinoy.. kakamiss
Newlyweds said…
ang sarap naman..miss ko na kaldereta!

http://newlywedscravings.blogspot.com/
Cecile said…
yum, fave ko yang kadereta...nakakagutom ang dish mo ngayon, dennis :-)
Sheren-May said…
knopya ko na po ung recipe nyo hihihi!!! favorite po kasi ni hubby ang beef, i'm sure pag niluto ko yan lalo niya kong mamahalin.. happy weekend po!
Mel_Cole said…
Oi, mukhang masarap yan kuya ha :) I miss kaldereta, Mmm!

http://www.heartscontentofamama.com/2010/06/ftf-beef-stroganoff-and-chocolate.html
Dennis said…
@ tatess...... Salamat sa pagbisita... :)

@ Foodtripfriday..... Masarap talaga...kahit ako hinbdi ko ine-expect na ganito ang kakalabsan ng lasa.

@ Charmie & Newlyweds.... try mong lutuin din ito para mawala ang pag-miss mo sa lutuing pinoy...hehehehe

@ Cecile....Thanks....gusto ko ngang i-try sa chicken naman. Mukhang masarap din.

@ Sheren-May....okay lang....email mo ako kung tagumpay ang luto mo sa hubby mo.....hehehehe

@ ByMelCole of PA.....subukan mo ito....madali lang lutuin....at masarap talaga....hehehe


Sa inyong lahat...maraming salamat.

Dennis
Anonymous said…
wow naman parang ang sarap ng recipe mo na kalderetang batangas.. tga batangas ako pero d ko pa na try magluto at matikman yan... itry ko nga magluto dahil alam ko na mga ingredients... thanks sa pagpost ng recipe mo...
Dennis said…
Salamat din anonymous.....Bulakeno ako ang wife ko ang taga batangas...pero nagustuhan ko talaga ang caldereta nila....hehehe
Mrs Ambrose said…
Hi Kuya Dennis, I tried this recipe tonyt and my husband really loves it! thanks again for sharing the recipe :) Godbless!
Unknown said…
Hi mr dennis.. madami aq natutunan sau kung pano magluto.. pero sa kaldereta ganyan tlga ang ginagawa q mapa beef o baboy pinapakulo q muna till maging tender at yun pinagpakuloan ang ginagawa q sabaw..thanks sa mga blogs mo khit papano natuto na aq magluto.. haha
Dennis said…
Salamat thinkofme......please continue supporting my blog and click also the ADS.....Merry Christmas!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy