Tinolang Manok



Noong araw ang Tinolang Manok ay isang espesyal na ulam sa mga espesyal na okasyon. Di ba nga dun sa awit na Pamasko may bahagi doon na..."....Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya...nagluto ang Ate ng manok na tinola....". Kahit naman sa mga probinsya, kapag may mga bisita na dumarating ito din ang inihahanda nila na ulam.


Although ngayon parang pangkaraniwan na ang ulam na ito, pero maituturing ko na espensyal pa rin ito para sa akin.



Sa recipe natin for today yung tradisyunal na pamamaraan ang ginamit ko at may dinagdag pa ako na twist sa huli. Try nyo at magugustuhan nyo ito.



TINOLANG MANOK


Mga sangkap:

1 whole chicken cut into serving pieces

200 grams chicken liver

1 medium size Green Papaya

Dahon ng sili

2 tumb size ginger (hiwain na parang palito ng posporo)

3 pcs. siling pang sigang

1/2 cloves garlic

1 medium size onion

patis

pamintang buo

achuete ilagay sa 1/2 cup na tubig

1 knorr chicken cube



Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang ang sibuyas sa kaunting mantika

2. Ilagay ang hiniwang manok, timplahan ng patis at halu-haluin.

3. Hayaan munang masangkutsa ng mga ilang minuto

4. Lagyan ng katas ng achuete...hayaang kumulo.

5. Ilagay ang papaya, siling pang sigang at atay ng manok. Lagyan ng tamang dami ng tubig o sabaw.

6. Hayaang kumulo hangang maluto ang manok at papaya

7. Ilagay ang dahon ng sili, knorr chicken cube at timplahan pa ng patis at paminta kung kinakailangan



Ihain habang mainit.


Para sa sawsawan, kumuha ng ilang pirasong nalutong atay ng manok. Durugin ito kasama ng siling pang sigang at lagyan ng patis. Mas lalong sasarap ang kain ninyo sa sawsawang ito. hehehehe


Kain po tayo.....

Comments

Cool Fern said…
matanong kita ,dennis..anong klaseng manok ba ang ginamit mo dito?
kasi mas masarap kung ang manok na ginamit mo is yong free range chicken..yong hindi broiler..yong native kung tawagin..naku ang sarap sarap pag yong klase ng manok ang ginamit mo...
Dennis said…
Yup...tama ka dyan Cool Fern....mas masarap yung native na manok....mas malasa ang sabaw nun...kaso lang medyo matagal ang magiging cooking time. Meron din atang nabibili sa palengke....pero minsanan lang.

Dito ang ginamit ay yung broiler pero yung bagong katay...as in mainit pa yung karne ng manok.

And masarap din kung bagong katay yung manok...yung sasahurin mo yung dugo sa bigas tapos isasama mo sa tinola...gusto-gusto ko nun...hehehehehe

At masarap pala pag lalagyan mo ng atay...mas malasa ang sabaw.

Thanks my friend....

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy