Chicken Inasal




Chicken Inasal. Sikat na luto ng manok ito sa bandang Bbacolod at Ilo-ilo. Ito ang isa sa mga paborito kong luto sa manok. Matagal na rin ng una akong makatikim nito, at mula noon na-inlove na ako dito. Matagal na rin na binalak kong magluto nito kaya nag-hanap talaga ako ng recipe nito sa net. May mga nakita ako, yun lang parang iba-iba ang recipe nila. So ang ginawa ko, kinuha ko lang yung common na sangkap sa kanila. At eto nga nakapagluto din ako ng paborito kong chicken inasal.



CHICKEN INASAL


Mga sangkap:

1 kilo chicken breast or leg

1/2 cup tanglad (yung white lower portion..gayatin na maliliit)

1/2 cup vinegar

1 cloves minced garlic

1/2 cup calamansi juice

salt and pepper

Maggie magic sarap

achuete oil



Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang manok sa pinaghalong suka, calamansi, asin, paminta, bawang, tanglad at maggie magic sarap. Ilagay ito sa isang plastic bag. Mas matagal n-marinade mas mainam.

2. I-ihaw ito sa baga o kaya naman maaring gumamit ng turbo broiler. Turbo broiler ang ginamit ko komo nga wala kaming place na pwedeng pag-ihawan.

3. From time to time pahiran ito ng achuete oil hanggang sa maluto.

4. Ihain ito na may sawsawan na pinaghalong suka, toyo, calamansi juice, sibuyas, asin, asukal at siling labuyo.



Enjoy!!! Masarap gawin at bauinin ito sa mga picnic.

Comments

Cool Fern said…
ah ok..walang toyo pala ang chicken inasal?
very popular nga tong chicken inasal pero di pa ako nakatikim talaga nito...
ang kinakain ko dito minsan ay yong chicken bbq from el pollo loco restaurant...
Dennis said…
Wala....yung achuete oil ang nagbibigay ng kulay dito. Pag kasi toyo ang inilagay, iinit masyado ang chicken. Sabi ko nga masarap ito kung ihaw talaga sa baga.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy