Holy Week Experience @ San Jose, Batangas

Mula nung mag-asawa ako, sa San Jose Batangas na ako lagi nag o-observe ng Holy Week kasama syempre ang aking mga anak. Syempre, bakasyon time din yun kaya naman sinusulit ang mga araw.

This year, naisipan ko i-share sa inyo ang experience namin sa bayan na ito na kinalakihan ng aking asawa. Bukod sa lumang simbahan, nananatili pa rin dito ang kultura at tradisyon nating mga Pilipino lalo pag sumasamit ang mga mahal na araw.
Pieta - Ang Dalamhati ng isang Ina


My wife Jolly and kids Jake and Anton with their relatives waiting for the procession to start.


My wife's sister Beth (in sunglasses...nickname niya Linggit) fresh from Ireland...salamat sa pasalubong. heheheheh. Yung naka-yellow kapatid ng wife ko si Lita (Laki ang tawag naman sa kanya...ewan ko kung bakit.) Also waiting for the procession to start.

My Wife again and my son Jake during the procession. Ang tatag talaga ng mga bata. Alam nyo natagalan nila ang mahabang paglalakad. Ako nga sumakit ang rayuma ko....hehehehee


Eto yung start ng procession. Yung isang pari na may hawak ng camera, siya yung healing priest na napabalita. Fr. Nelson ata ang pangalan niya.






Eto yung isa sa mga karosa na masyado akong naantig. Di kasi katulad nung mga nakikita nating nakapakong si Jesus, ito tadtad ng sugat ang katawan. At yung mga sugat parang totoong dugo ang lumalabas.



Kinuna ko ang picture na ito nung malapit na kaming pumasok sa patyo ng simbahan. Nag-aagaw nun ang liwanag at gabi.


Ito naman ay kinunan nung madaling araw na misa ng pasko ng pagkabuhay. Nauuna yung estatwa ni Mama Mary at yung nakasunod naman is the Risen Christ.

Masasabi ko na naging makabuluhan naman ang aming nakaraang pagdiriwang ng Mahal na Araw. Kahit papano ay nakapag-nilay naman kami sa pagliligtas na ginawa sa atin ng Poon nating si Jesus. Sana sa sususunod pang mga taon ay pagkalooban pa ako ng lakas para makasama pa ako sa mga ganitong gawain. Amen


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy