Pancit Lomi Guisado
Sa probinsya ng Batangas paborito ng sino mang tao donn ang lomi. Mapa may sabaw o kaya naman ay guisado hit na hit ito sa kanila. Kaya naman mula ng makapag-asawa ako ng taga Batangas, nakagiliwan ko na din na kumain nito lalo na kung ako ay nauuwi dito.
Pero ang recipe natin for today ay dito ko sa Manila niluto....hehehehe. Actually madalim lang itong lutuin at ilan lang ang sangkap na kailangan. Gusto ko sana ay may sabaw kaso eto nga sa pancit guisado ito nauwi. Pero masarap naman din ang kinalabasan. Kinain nga pala namin ito as breakfast.
PANCIT LOMI GUISADO
Mga Sangkap:
400 grams Miki or egg noodles (yung matataba ang hibla)
250 grams chicken fillet cut into strips (i-marinade sa asin at paminta
4 tbsp. oyster sauce
1 tbsp minced garlic
1 large onion chopped
2 eggs
kinchay o cilantro
1 8gram sachet Maggie magic Sarap
salt and pepper
cooking oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o non-stick pan na may kaunting mantika, i-prito ang binating itlog. Ikalat ang itlog sa kawali para manipis ang kalabasan. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Dagdagan ng kaunti pang mantika at i-prito ang chicken fillet hanggang sa pumuti na ang laman.
3. Ilagay sa gilid ng kawali ang manok at igisa ang bawang at sibuyas
4. Halu-haluin ang ginisang sangkap at ilagay ang miki o ang lomi noodles
5. Lagyan ng kaunting tubig, timplahan ng asin at paminta at hayaang maluto
6. Ilagay ang oyster sauce at maggie magic sarap. Timplahan pa ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa
7. Hanguin sa isang bandihado at ilagay sa ibabaw ang ginayat na itlog at kinchay
Masarap kainin kasama ang mainit na pandesal.
Note: Kung mapapansin nyo walang gulay na kasama maliban sa kinchay. Niluto ko kasi ito bago mag-holy week so walang laman ang fridge namin kaya ganito lang ang ginawa ko. Kung gusto ninyo ng may gulay maari din naman itong lagyan.
Enjoy!!!1

Comments
i think kung may kaunting shrimps eh ma e-enhance ang kanyang flavor..
just asking
Dennis
Dennis
Dennis