Prawn in Creamy Basil Sauce


Hindi ko alam kung may lutong ganito. Pero ang masasabi masarap ito talaga. Sabagay, ano ba ang magiging mali sa niluluto kung may basil ito?

Last Maundy Thursday, ni request ng wife ko na mag luto ako ng Fish fillet with White Creamy Basil Sauce. Na-i-post ko na ang recipe nito...pa-check na lang sa archive. Ayun may natira pa na dipping sauce...inilagay sa fridge...at ito nga ang ginamit ko sa recipe na ito.


PRAWN IN CREAMY BASIL SAUCE


Mga Sangkap:

1/2 kilo Prawn or sugpo

1/2 cloves minced garlic

1/4 bar butter

salt and pepper

Maggie Magic Sarap

Leftover Creamy basil Sauce


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kawali, igisa ang bawang sa butter. Halu-haluin hanggang sa maging golden brown ang bawang.

2. Ilagay ang sugpo. Timplahan ng asin, paminta at Maggie Magic sarap. halu-haluin.

3. Lagyan ng kaunting tubig at takpan hanggang sa maluto.

4. Ihalo ang leftover creamy basil sauce. halu-haluin.


Ihain habang mainit!


Di ba ang dali lang?


Enjoy!

Comments

Cool Fern said…
super dali talaga siya..
at masarap..
actually may recipe din ako nito na super dali at super sarap din talaga..with kakang gata naman ang gamit ko..yaan mo pag nakapagluto ako nito i'll make sure na may pix para ma i-share ko sa 'yo..kudos to your site and more power
Dennis said…
Thanks Cool Fern.... share mo din yung blog sa mga friends mo...hehehehe

Dennis
Emgee said…
san po recipe nung basil sauce? ty
Dennis said…
Nasa March archive Grace....Yung entry for Fish Fillet with Creamy basil Sauce

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy