Fried Chicken with Home made Gravy


Ang mga bata, basta fried chicken ang ulam siguradong taob ang kaldero ng kanin...hehehehe. The same with my 3 kids. Piniprito ko pa lang ang manok, kanya-kanya na silang turo kung alin ang mapupunta sa kanila. Sabagay, kahit sino naman siguro, talagang paborito ang pritong manok.

Maraming recipe o pamamaraan sa pagluluto ng pritong manok o fried chicken. Depende na lang siguro sa ating panlasa kung papaanong luto ang gagawin natin. Yung iba gusto walang breadings...parang ala Max ang dating.....yung iba naman mas gusto nila yung fastfood like na crispy ang balat. Well sa mga anak ko kahit na ano basta pritong manok...hehehehe. At syempre pag may pritong manok dapat may sawsawan. Pwedeng ordinaryong catsup o kaya naman ay gravy. Sa entry kong ito, ituro ko din ang simpleng pag-gawa ng gravy para sa ating fried chicken.



FRIED CHICKEN with HOME MADE GRAVY

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken legs (cut into 2 parts)

6 pcs. calamansi

salt and pepper

Maggie Magic SArap

1 cup all purpose flour

1/4 cup cornstarch

Cooking oil for frying


For the gravy:

1/4 cup butter

2 pcs. Knorr chicken cubes

1 cup of water

2 tbsp. flour

1 tsp. soy sauce

salt and pepper


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, maggie magic sarap at calamansi juice. Mas matagala ang pag-marinade mas mainam.

2. Ilagay ang manok, harina at cornstarch sa isang plastic bag. Lagyan nga kaunting hangin ang plastik bag.....isara...at alug-alugin ang manok sa loob hanggang sa ma-coat ang lahat ng manok ng harina.

3. I-prito ito ng lubog sa mantika. Hanguin sa paper towel at ilagay sa isang lalagyan.

4. For the gravy, sa isang sauce pan, pakuluan ang knorr chicken cubes sa isang tasang tubig.

5. Ilagay ang tinunaw na harina at butter. haluin ng haluin. I-adjust ang lapot ng sauce..maaaring lagyan pa ng tubig o harina pa.

6. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan. Maaari din lagyan ng maggie magic sarap to add more flavor.

Ihain kasama ng piniritong manok habang mainit.

Masarap din na pambaon ito ng mga bata....with the home made gravy, siguradong matutuwa ang mga kids.


Till next....enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
sarap nito ah..parang pumunta ka rin ng jollibee
Dennis said…
Hehehehe.....tama ka dyan Cool Fern. Kung gusto mo ng extra crispy na balat...lubog mo lang ulit sa tubig at harina yung chicken.

Thanks
reynaldo said…
kuha ba ang lasa ng gravy sa jollibee
Dennis said…
Halos kapareho....ang jollibee cassava flour ata ang ginagamit. Try mo din ....:)
Cloud9 said…
Hello po! Itatry ko po yung recipe nyo mamayang gabi, Para naman may time pa makapagmarinate yung chicken.

Salamat po sa pagpost ng recipe na'to. :)
Unknown said…
pano un soy sauce.. para ano?
Dennis said…
Thanks Mark..na-miss ko yun ah. para sa gravy ang soy sauce...to add color. Pwede sa huli na lang yun ilagay.
Unknown said…
Hmmm. Ideal po b yan for business? Hehe prang gusto ko idagdag sa mga putahe.
Unknown said…
Hmmmm ideal po b yan for business na recipe? Nglalast long po b ung crisp? Prang gusto kong idagdag sa putahe ulit... ung fried chicken
Dennis said…
Pwede naman po.


DEnnis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy