CHICKEN EMBOTIDO



First time ko lang magluto ng chicken embotido. Pork embotido yes. Pareho lang naman ang sangkap nito at paraan ng pagluluto. Ang mga sangkap nito ay depende na rin kung gaano ka-espesyal ang gusto mong gawin. Kami sa Bulacan binabalot ito sa aluminum foil at ini-steam. Sa mga biyenan ko sa Batangas iba naman, binabalot nila ito sa dahon ng saging at saka pini-prito. Halos pareho naman ang lasa pero yun nga nagkakaiba sa ibang sangkap at sa paraan ng pagluluto. Ako naman, steam ko muna at saka ko piniprito...hehehehe....o di ba combine? hehehehe




CHICKEN EMBOTIDO

Mga Sangkap:

1/2 kilo Ground chicken

1 carrot grated or finely chopped

1 large onion finely chopped

1/2 cup chopped leeks (green portion)

1/2 cup Dried pearl mushroom soak in water then finely chopped

1/3 cup pasas

1/3 cup green peas

2 tbsp. pickel relish

2 tbsp. soy sauce

4 eggs

3 tbsp. cornstarch

1 tsp. salt

1 tsp. ground pepper

2 tbsp. sesame oil

1 8g sachet maggie magic sarap

aluminum foil

Paraan ng pagluluto:

1. Paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa aluminum foil. Tiyaking nahalong mabuti ang mga sangkap.

Note #1: Maaring magluto muna ng kaunti ng pinaghalong sangkap bago balutin. Para ito matikay kung ok na ang lasa o kailangan pang i-adjust.

2. Ibalot ito ng pahaba sa aluminum foil. Pilipitin ang magkabilang dulo. Nasa sa inyo kung gaano kalaking bilog at haba ang nais ninyo. Depende na lang siguro sa laki ng inyong steamer.

Note#2: I-brush ng kaunting sesame oil ang aluminum foil para hindi dumikit ang laman kung steam na.

3. I-steam ito ng mga 30 minutes hanggang 1 oras depende sa laki ng inyong embotido.

4. Hanguin sa isang lalagyan at hayaang lumamig.

5. Kung Ihahain na, alisin sa aluminum foil at i-prito ng bahagya sa isang non-stick pan hanggang sa pumula ng kauntin ang balat. I-slice ayon sa nais na kapal.

6. Ihain na may kasamang tomato o banana catsup.


Enjoy!!!!

Note: Pwede nyo ding lagyan ng grated cheese para mas lalong sumarap.

Comments

Cool Fern said…
eto na ba ang handa sa bday?
sarap ng handa
Dennis said…
Yup....isa ito sa mga handa ng may birthday....hehehehe. First time kong gumawa nito na chicken ang sangkap.....at masarap naman ang kinalabasan....hehehe
Cool Fern said…
i'm sure.... sa galing mong magluto?talagang masarap?happy bday again...
Dennis said…
Thanks my friend....alam mo na-miss kita nung hindi ka nagko-comment sa mga previous posting ko....hehehehe
Anonymous said…
nasa lakaran kasi ako kaya hindi ako nakapag comment lately..i am travelling right now..nagpunta ako ng niagara falls kaya medyo nawala ang beauty ko for a while..but i'm back and with a vengeance o di ba?
Dennis said…
Bakit nga anonymous? Di ka siguro naka-log-in.....? hehehehe

Buti ka pa papasyal-pasyal na lang....hehehehe. Okay yan hanggat nakakalakad..Take care

DEnnis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy