CHICKEN HAMONADO
Binisita kami sa bahay ng image ng The Holy Family last June 24. Bale one week na mag-stay ito sa amin and after a wek ililipat naman sa ibang bahay. It's a blessing. Kasi ba naman by this nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-pray ng buong pamilya. Take note ha...ang mga kids ang sumasagot sa pag-recite ng rosary....hehehehe.
Syempre, komo blessing ang mga ito para sa amin, nag-share din naman kami ng blessings sa iba. At eto nga, nagluto ako ng espesyal na pagkain para sa mga magdarasal. At isa na dito ang recipe natin for today. Chicken Hamonado. Kung nasasarapan kayo sa Pork Hamonado na nai-feature na natin sa blog na ito, natitiyak kong magugustuhan nyo din itong recipe na ito.
CHICKEN HAMONADO
Mga Sangkap:
15 pcs. Chicken thigh
2 cups Del Monte Pineapple juice
1 cup Brown sugar
Salt to taste
1 tsp ground pepper
2 large red onions chopped
1 head minced garlic
Paraan ng pagluluto:
1. Paghaluin ang lahat ng sangkap sa isang lalagyan. Hayaan ng mga 2 oras. Mas matagal na marinade mas mainam.
2. Ilagay sa isang kaserola o non-stick pan at hayaang kumulo at maluto ang manok.
3. I-adjust ang lasa base sa nais nyong alat at tamis.
Ihain habang mainit.
Ang dali lang di ba? Ang secret para mas sumarap ang lutuing ito ay yung matagal mo itong i-marinade. Also, pwedeng lagyan ng cornstarch ang sauce para mas lumapot. Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang alat, tamis at asim ng pineapple juice.
Enjoy cooking!!!!
Comments
Yup....pwedeng i-pan-fry muna yung manok...dapat lang mabilisan...baka kasi masunog naman yung balat...di ba may sugar ang sangkap?
Di ba? :)
Dennis