CHICKEN MORCON



CHICKEN MORCON


Ang morcon ang isang pagkain na nakikita at natitikman natin lamang sa mga espesyal na okasyon katulad ng mga fiesta at kasalan. Hindi kasi madaling lutuin ang pagkaing ito. Bukod pa sa maraming rekadong kailangan. Thinly Sliced Beef ang ginagamit sa orihinal na morcon. Pero dito sa enry kong ito chicken ang ginamit ko. Mahal kasi ang baka....hehehehe. Pero sa totoo lang ang sarap ng kinalabasan ng lutuin kong ito. Try nyo.


Mga Sangkap:

10 pcs. Large size Thigh chicken fillet

1 carrot

1 red bell pepper

1 cheddar cheese

a bunch of fresh basil leaves

1 cup cooked chicken liver

1 pcs. chorizo de bilbao

2 pcs. salted egg

salt and pepper

1 8g sachet maggie magic sarap

1 1/2 cup tomato sauce

Pag-tali

3 cloves minced garlic

1 red onion chopped

2 medium size tomatoes chopped

2 tbsp. cooking oil


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang thigh chicken fillet sa asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 1 oras.



2. Hiwain ang carrot, red bell pepper,cheese, chicken liver at salted egg ng pahaba katulad ng nasa larawan sa ibaba




3. Lagyan ng gilit o hiwa-hiwain ang laman ng chicken fillet para lumapad

4. Lagyan ng mga hiniwang sangkap ang manok para maging palaman.

5. I-roll ito at talian para hindi bumuka.

6. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika

7. Ilagay isa-isa ang mga tinalian chicken roll.

8. Ilagay ang tomato sauce at ang mga natira pang sangkap na palaman.

9. Hayaang kumulo hanggang sa maluto. Tikman ang sauce. Maaring lagyan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.

10. Hanguin mula sa sauce ang manok at palamigin sandali.

11. Hiwain ng pahalang ayon sa nais na kapal at ilagay sa isang lalagyan.

12. Lagyan sa ibabaw ng sauce na pinaglutuan.

Ihain habang mainit pa..

Enjoy!

Comments

Cool Fern said…
napaka-innovative mo naman,dennis...
ang galing mo...
Dennis said…
This dish was so good. Yung bisita ko na taga San Diego nagustuhan talaga ito. Sabi nga niya sa email niya sa akin...she can still taste the chicken...hehehehe

Try mo ito CoolFern....ang sarap nito...kakaiba.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy